Language(by Gtranslate):

Table of Contents

Ano kahulugan ng Elasticty?

Ang elasticity o elastisidad ay ang sukat ng pagiging sensitibo ng dami ng supply at demand relatibo sa pagbabago ng presyo.

Ito rin ay tumutukoy sa kung gaano kalaki ang pagbabago sa demand ng isang indibidwal, consumer o isang prodyuser o  sa dami ng mga nililikhang supply dulot ng mga pagbabago ng presyo at kita.

Ito ay ginagamit din sa pagsuri sa mga pagbabago sa consumer demand na dulot ng mga pagbabago sa presyo ng produkto at serbisyo.

Ano ang Elasticity at Price Elasticity? 1

Ano ang Price Elasticity?

Parehong ipinapakita ng demand curve at supply curve ang relasyon sa pagitan ng presyo at nang bilang ng demand o supply. Ang Price Elasticity ay ang ratio sa pagitan ng mga bahagdan ng pagbabago ng Quantity demanded (Qd) o ng supplied (Qs), at sa katumbas na bahagdan ng pagbabago sa presyo.

Ang price elasticity of demand ay ang bahagdan ng pagbabago sa quantity demanded (bilang ng demand) divided(hinati) ng bahagdan ng pagbabago ng presyo.

Ang price elasticity of supply ay ang bahagdan ng pagbabago sa quantity supplied(bilang ng supply) divided(hinati) ng bahagdan ng pagbabago ng presyo.

Basahin: Ano ang Supply at Law of Supply? at Ano ang Demand at ang Law of Demand?

Ang elasticity ay maaaring hatiin sa limang kategorya: Perfectly elastic, elastic, perfectly inelastic, inelastic at unitary.

Ang elastic na demand o supply  ay may elasticity na mas mataas sa 1. Ito ay nagdudulot ng mas mataas na pagtugon ng bilang ng supply at demand sa mga pagbabago ng presyo.

Ang inelastic na demand at supply ay may elasticity na mas mababa sa 1 at katumbas nito ang mababang pagtugon sa pagbabago ng presyo.

Ang unitary elastic na demand at supply ay may elasticity na 1, ito ay nangangahulugan ng proportional na pagtugon sa pagbabago ng presyo.

Ang perfectly elastic ay nangangahulugan ng ganap at infinite(walang katapusan) na pagtugon sa pagbabago ng presyo.

Ang perfectly inelastic ay may elasticity ng 0, ibigsabihin walang pagbabago sa dami ng demand at supply kahit na magkaroon ng pagbabago sa presyo.

Kung…Ito ay…
 elasticityPerfectly Elastic
 Ano ang Elasticity at Price Elasticity? 2Elastic
 Ano ang Elasticity at Price Elasticity? 3Unitary
 Ano ang Elasticity at Price Elasticity? 4Inelastic
 Ano ang Elasticity at Price Elasticity? 5Perfectly Inelastic

Paano makukuha ang elasticity?

Para sa bahagi na ito tandaan lamang ang kahulugan ng mga simbolo na gagamitin. Ang mga formula na nasa ibaba ay magagamit upang makuha ang elasticity ng supply at ng demand.

Q= Quantity(bilang)

P=Price(presyo)

Midpoint method

Ginagamit ng Midpoint method ang average percent change sa pagitan ng mga presyo at dami ng supply o demand imbes na mga simpleng bahagdan ng pagbabago.

Ano ang Elasticity at Price Elasticity? 6

Point Elasticity Method

Sa paraan na ito kailangan mo malaman ang initial values(paunang halaga/bilang) at ang new values(bagong halaga/bilang).

Ano ang Elasticity at Price Elasticity? 7

References

Price elasticity of demand and price elasticity of supply, https://www.khanacademy.org/economics-finance-domain/microeconomics/elasticity-tutorial/price-elasticity-tutorial/a/price-elasticity-of-demand-and-price-elasticity-of-supply-cnx
Elasticity, https://www.investopedia.com/terms/e/elasticity.asp

Kung nahihirapan at nais niyo pa din matuto kaugnay sa economics, maaaring makatulong sa inyo ang mga librong “The Economics Book: Big Ideas Simply Explained” (available in Amazon here and Lazada here)

Ang aklat na ito ay may mga ilustrasyon at mga pinadaling pagpapaliwanag sa mga konsepto ng economics na maaari mong maranasan sa iyong pag-aaral.

Similar Posts