Ano ang Globalisasyon?

Ano ang kahulugan ng Globalisasyon?

Ito ay naglalarawan sa lumalawak na ugnayan ng mga ekonomiya, kultura at populasyon ng mundo bunsod ng mabilis na palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa, pag-unlad ng teknolohiya, daloy ng salapi, migrasyon at mabilis na palitan ng impormasyon.

Ang globalisasyon ay ang pagiging magkakaugnay ng mga bansa at tao sa mundo dulot ng mga pagbabago sa teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon na nagdulot ng pagbilis ng palitan ng impormasyon at produkto na nagreresulta sa pagbabago sa pamumuhay ng tao.

globalisasyon
Photo by Markus Spiske 

Bakit mahalaga na aralin ang Globalisasyon?

  • Dahil nagdudulot ito ng maraming epekto, karamihan ay komplikado at politikal sa anyo.
  • Tulad sa pag –usad ng teknolohiya, nagdudulot ng malaking tulong ang globalisasyon sa kabuuan ng ating lipunan, habang nagdudulot din ito ng problema sa ilang maliliit na pangkat ng tao.
  • Ang pag-unawa sa mga benepisyo at mga masamang epekto nito ay makakatulong upang mapagaan ang mga problema na maaaring idulot nito habang napapanatili ang mga positibong dulot nito.

Book recommendation and Affiliate links:

Kung nahihirapan at nais niyo pa din matuto kaugnay sa economics, maaaring makatulong sa inyo ang mga librong “The Economics Book: Big Ideas Simply Explained” (available in Amazon here and Lazada here)

Ang aklat na ito ay may mga ilustrasyon at mga pinadaling pagpapaliwanag sa mga konsepto ng economics na maaari mong maranasan sa iyong pag-aaral.

Iba Pang Artikulo

Isyu Pangkapaligiran sa Pilipinas
Ang 4 na Sistemang Pang-ekonomiya
Ano ang Pinagkaiba ng Sex at Gender?

References

 Globalization, Knowledge and Society by Albrow, Martin; King, Elizabeth
 “Studying Globalization: Methodological Issues”, Babones, Salvatore (2008)