Ano ang Elasticity at Price Elasticity?
Ano kahulugan ng Elasticty?
Ang elasticity o elastisidad ay ang sukat ng pagiging sensitibo ng dami ng supply at demand relatibo sa pagbabago ng presyo.
Ito rin ay tumutukoy sa kung gaano kalaki ang pagbabago sa demand ng isang indibidwal, consumer o isang prodyuser o sa dami ng mga nililikhang supply dulot ng mga pagbabago ng presyo at kita.
Ito ay ginagamit din sa pagsuri sa mga pagbabago sa consumer demand na dulot ng mga pagbabago sa presyo ng produkto at serbisyo.
Price Elasticity Calculator
Ano ang Price Elasticity?
Parehong ipinapakita ng demand curve at supply curve ang relasyon sa pagitan ng presyo at nang bilang ng demand o supply. Ang Price Elasticity ay ang ratio sa pagitan ng mga bahagdan ng pagbabago ng Quantity demanded (Qd) o ng supplied (Qs), at sa katumbas na bahagdan ng pagbabago sa presyo.
Ang price elasticity of demand ay ang bahagdan ng pagbabago sa quantity demanded (bilang ng demand) divided(hinati) ng bahagdan ng pagbabago ng presyo.
Ang price elasticity of supply ay ang bahagdan ng pagbabago sa quantity supplied(bilang ng supply) divided(hinati) ng bahagdan ng pagbabago ng presyo.
Basahin: Ano ang Supply at Law of Supply? at Ano ang Demand at ang Law of Demand?
Ang elasticity ay maaaring hatiin sa limang kategorya: Perfectly elastic, elastic, perfectly inelastic, inelastic at unitary.
Elastic na demand
Ang elastic na demand ay may elasticity na mas mataas sa 1. Ito ay nagdudulot ng mas mataas na pagtugon ng bilang ng supply at demand sa mga pagbabago ng presyo. Ang malaking pagbabago sa presyo ay magdudulot ng malaking pagbabago sa demand. Ang pagtaas ng presyo ay nagdudulot ng pagbaba ng demand samantalang ang pagbaba ng presyo ay nagdudulot ng pagtaas ng demand. Kadalasan ang mga produkto na elastic ang demand ay mga produkto na may alternatibo o kaya ay tinuturing na isang luxury.
Halimbawa, ang presyo ng mantikilya(butter) ay bumaba mula Php60 papunta ng Php50, ang demand para sa mantikilya ay tataas. Kapag tumaas ang presyo ng mantikilya, bababa ang demand para dito dahil may mga alternatibo dito tulad ng margarine.
Inelastic na demand
Ang inelastic na demand ay may elasticity na mas mababa sa 1 at katumbas nito ang mababang pagtugon sa pagbabago ng presyo. Ang mga pagbabago sa presyo ay nagdudulot ng kaunti o walang pagbabago sa demand. Ang ilang halimbawa ng mga produkto na nagpapakita ng ganitong elasticity ay mga utilities, gamot at langis.
Kahit na tumaas ang presyo nito, ang mga demand ay di magbabago dahil sa malaking pangangailangan sa ilang utility tulad ng tubig, kuryente atbp kung saan walang tunay na alternatibo sa produkto at serbisyo na kanilang ibinibigay.
Unitary elastic na demand
Ang unitary elastic na demand ay may elasticity na 1, ito ay nangangahulugan ng proportional na pagtugon sa pagbabago ng presyo. Ang pagbabago sa presyo (porsyento ng pagbabago) ay magdudulot ng halos parehong pagbabago sa demand. Hal. 3% pagtaas sa presyo ay maaaring magdulot ng 3% pagbaba sa demand, 10% pagbaba ng presyo ay nagdulot ng 10% pagtaas ng demand.
Ang isang mamimili ay maaaring bumili ng mas maraming mangga dahil sa pagbaba ng presyo nito at sa panahon na mataas ang presyo nito bababa din ang bilang na bibilhin ng isang mamimili.
Perfectly elastic
Ang perfectly elastic ay nangangahulugan ng ganap at infinite(walang katapusan) na pagtugon sa pagbabago ng presyo. Ibigsabihin, ang kahit anong pagbabago sa presyo ay magdudulot sa pagbaba ng demand patungong 0.
Halimbawa ay sa palengke ay lahat ng nagtitinda ay nagbebenta ng bigas o kahit anong parehong produkto, dahil sa mahigpit na kompetisyon ang mga nagtitinda ay halos magkakalapit na presyo kung hindi ito pare-pareho. Kung ang isa man sa mga nagtitinda ang magtaas ng presyo siya ay mawawalan ng demand sa kanyang binebenta na bigas dahil may ibang mabibilhan ang mga konsumer.
Kung ang isa naman ay magbaba ng presyo, maararing panandalian lamang ang pagtaas ng demand dahil ang mga kakompetensya niya ay susunod at magbababa din presyo para bumalik ang demand sa kanila.
Perfectly inelastic
Ang perfectly inelastic ay may elasticity ng 0, ibigsabihin walang pagbabago sa dami ng demand kahit na magkaroon ng pagbabago sa presyo.
Ito ay bihira mangyari sa isang aktwal na sitawasyon sa isang pamilihan ng mga konbensyonal na produkto ngunit ang isang halimbawa nito ay tubig. Ang tubig ay importante para mabuhay tayo, sa panahon ng tag-ulan maaaring mababa ang presyo nito at di ito napapansin ng mga tao. Sa panahon ng tagtuyot, tataas ang presyo ng tubig, ngunit kahit na magreklamo ang mga tao, hindi magbabago ang demand dito dahil sa pangangailangan ito sa pagpapanatili ng buhay natin at wala itong alternatibo.
Kung… | Ito ay… |
Perfectly Elastic | |
Elastic | |
Unitary | |
Inelastic | |
Perfectly Inelastic |
Paano makukuha ang elasticity?
Para sa bahagi na ito tandaan lamang ang kahulugan ng mga simbolo na gagamitin. Ang mga formula na nasa ibaba ay magagamit upang makuha ang elasticity ng supply at ng demand.
Q= Quantity(bilang)
P=Price(presyo)
Midpoint method
Ginagamit ng Midpoint method ang average percent change sa pagitan ng mga presyo at dami ng supply o demand imbes na mga simpleng bahagdan ng pagbabago.
Point Elasticity Method
Sa paraan na ito kailangan mo malaman ang initial values(paunang halaga/bilang) at ang new values(bagong halaga/bilang).
References
- Price elasticity of demand and price elasticity of supply, https://www.khanacademy.org/economics-finance-domain/microeconomics/elasticity-tutorial/price-elasticity-tutorial/a/price-elasticity-of-demand-and-price-elasticity-of-supply-cnx
- Elasticity, https://www.investopedia.com/terms/e/elasticity.asp