Ano ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (RA9262)
Ang Republic Act 9262, na kilala rin bilang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004,” ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong protektahan ang mga kababaihan at kanilang mga anak mula sa karahasan at pang-aabuso. Ito ay tugon ang karahasan sa mga bata at babae na ginagawa ng kanilang mga “intimate partners” tulad ng kanilang asawa, dating asawa, live-in partners, ex-live-in partner, kasintahan, dating kasintahan, dating partner at ex dating partner.
Nilagdaan ito noong Marso 8, 2004, at naglalaman ng mga probisyon na nagbibigay ng proteksyon at tulong sa mga biktima ng domestic violence.
Sa ilalim ng batas na ito ang mga sumusunod na krimen:
- Physical violence – pag-atake o pag-iral ng pisikal na pwersa sa isang babae o kanyang anak.
- Sexual violence – anumang pag-atake na may kahalintulad na layunin na mapanakit o mapahamak ang isang babae o kanyang anak.
- Psychological violence – anumang anyo ng pagmamaneho o pang-aabuso na nagdudulot ng takot o psychological distress sa isang babae o kanyang anak.
- Economic abuse – anumang gawain na naglalayong kontrolin o pigilin ang financial resources o property ng biktima.
Ang RA 9262 ay nagbibigay ng mga probisyon para sa pagkuha ng protection order ng biktima laban sa nang-aabuso, at hinihikayat niyo ang pagbuo ng mga awareness campaign ukol sa domestic violence. Bukod dito, itinataguyod ng batas ang mga programa para sa counseling at therapy para sa mga biktima.
Sino ang mga sakop ng RA9262?
Ito ay tumutukoy sa kahit anong karahasan o serye ng karahasan na dinulot ng intimate partner niya:
- Laban sa isang babae na kanyang asawa o dating asawa.
- Laban sa isang babae na karelasyon o dating karelasyon na sekswal o kahit “dating” lamang.
- Laban sa babae na kung saan mayroon siyang anak.
- Laban sa isang bata, lehitimo o hindi, na nakatira o hindi man sa kanyang tirahan.
Ano ang ibigsabihin ng “dating relationship” sa RA9262
Ito ay maaaring isang relasyon kung saan tinuturing ng parehong partido na sila ay mag-asawa ngunit wala lamang ang benipisyo ng kasal. Ito din ay maaaring mga romantikong relasyon na hanggang sa kasalukuyan ay magkasama pa din ang magpartner.
Lalaki lang ba ang gumagawa ng VAWC?
Ang mga babae ay maaaring makasuhan pa din sa ilalim ng batas na ito. Ang mga Lesbian na girlfriend o live-in partner ng biktima ay may pananagutan pa din sa ilalim ng batas ng RA9262.
BASAHIN DIN: Ano ang Magna Carta of Women? (aralipunan.com)
Kung ikaw ay naghahanap ng dagdag na kaalaman kauganay sa VACW at RA9262 puntahan mo ang link na nasa ibaba:
Kung ikaw biktima ng VACW, puntahan ang link sa baba, ito ay may listahan ng mga hotline ng women’s desk sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas
Violence Against Women Helplines – Philippine Commission on Women (pcw.gov.ph)