Language(by Gtranslate):

Table of Contents

Ano ang Karapatan Pantao?

Ang Karapatan pantao ay mga Karapatan na likas sa lahat ng tao, anuman ang kanyang lahi, kasarian, nasyonalidad, etnisidad, relihiyon at iba pa. Ito ay ang pinakapayak na Karapatan at kalayaan na taglay ng isang tao, mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kanyang kamatayan.

Ang Karapatan pantao ay mga pamantayan na kumikilala at pumuprotekta sa dignidad ng lahat ng tao. Ito rin ay nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan at sa kanilang pakikisalamuha sa iba. Ang mga Karapatan pantao ay may epekto rin sa relasyon sa pagitan ng estado at ng mga mamamayan.

Inoobliga ng Karapatan pantao na kumilos ang pamahalaan para sa pagparotekta sa Karapatan ng mga indibidwal at pinipigilan din nito ang pamahalaan sa pag-abuso at paglabag sa Karapatan ng mga tao. Ang bawat isa din sa mga tao ay may tungkulin sa paggamit ng kanilang Karapatan, dapat nilang irespeto ang Karapatan ng kanilang kapwa.

Unibersal at hindi maikakait

Unibersal ang karapatan pantao, ang lahat ay may pantay na karapatan at kalayaan. Ang mga Karapatan na ito hindi maipagkakait, hindi ito maaaring boluntaryong iwaksi at walang sinuman ang maaaring magtanggal ng Karapatan ng iba nang walang due process.

Hindi nahahati

Ito ay hindi mahahati o mababawasa, ito man ay karapatang sibil, pang-ekonomiko, panlipunan o pang-kultura, ang lahat ng mga Karapatan na ito ay mahalaga para sa dignidad ng bawat tao. Ang lahat ng karapatan ay may patas na importansya. Walang maliit na Karapatan at walang maituturing mas mahalagang sa bawat isa.

karapatan pantao
human rights
Predrag Stakić, released by http://humanrightslogo.net/, CC BY-SA 3.0 https://creativecommons.org/licenses/by-sa/3.0, via Wikimedia Commons

Ano ang Universal Declaration of Human Rights?

Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isang mahalagang dokumento sa kasaysayan ng tao na nagsasaad ng mga karapatan lna may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao tulad ng karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.

Pagkataposi maitala ng mga kinatawan na nagmula sa iba’t ibang panig ng mundo, ang Deklarasyon na ito ay pinagtibay ng United Nation General Assembly noong December 10, 1948 sa Paris, France.

Sa pagpapatibay nito, ito ang unang pagkakataon na ang mga Karapatan pantao ay protektado sa lahat ng panig ng mundo.

Ang UDHR ay naglalaman ng 30 karapatan pantao na dapat matamasa ng isang tao. Ito ang pinaikling bersyon ng UDHR:

Article 1                Right to Equality
Article 2                Freedom from Discrimination
Article 3                Right to Life, Liberty, Personal Security
Article 4                Freedom from Slavery
Article 5                Freedom from Torture and Degrading Treatment
Article 6                Right to Recognition as a Person before the Law
Article 7                Right to Equality before the Law
Article 8                Right to Remedy by Competent Tribunal
Article 9                Freedom from Arbitrary Arrest and Exile
Article 10             Right to Fair Public Hearing
Article 11             Right to be Considered Innocent until Proven Guilty
Article 12             Freedom from Interference with Privacy, Family, Home, and Correspondence
Article 13             Right to Free Movement in and out of the Country
Article 14             Right to Asylum in other Countries from Persecution
Article 15             Right to a Nationality and the Freedom to Change It
Article 16             Right to Marriage and Family
Article 17             Right to Own Property
Article 18             Freedom of Belief and Religion
Article 19             Freedom of Opinion and Information
Article 20             Right of Peaceful Assembly and Association
Article 21             Right to Participate in Government and in Free Elections
Article 22             Right to Social Security
Article 23             Right to Desirable Work and to Join Trade Unions
Article 24             Right to Rest and Leisure
Article 25             Right to Adequate Living Standard
Article 26             Right to Education
Article 27             Right to Participate in the Cultural Life of Community
Article 28             Right to a Social Order that Articulates this Document
Article 29             Community Duties Essential to Free and Full Development
Article 30             Freedom from State or Personal Interference in the above Rights

Para sa kompletong nilalaman ng Universal Declaration of Human Rights sundan lamang ang mga link na ito: English (https://www.ohchr.org/EN/UDHR/Pages/Language.aspx?LangID=eng) at Filipino-Tagalog (https://www.ohchr.org/EN/UDHR/Pages/Language.aspx?LangID=tgl)

Mga Sanggunian

Explainer: Ano ang Universal Declaration of Human Rights?, philrights.org
Human Rights, un.org
What are human rights?, unicef.org
What are human rights?, ohchr.org
What are human rights?, equalityhumanrights.com
http://hrlibrary.umn.edu/edumat/hreduseries/hereandnow/Part-5/8_udhr-abbr.htm

Iba pang Artikulo

Ano ang Pagkakaiba ng Pagkamamamayan at Nasyonalidad?
Ano ang kahulugan ng Makabayan at Makabansa?
Ano ang Diskriminasyon?

Similar Posts