Ano ang Kakapusan?
Ang kakapusan o scarcity ay isa sa mga problema na nais bigyan ng solusyon ng ekonomiks. Ito ay nagaganap tuwing ang demand para sa mga serbisyo at produkto ay higit na mas malaki sa bilang ng supply ng mga serbisyo at produkto.
Ano ang Kakapusan?
Ang Kakapusan ay umiiral dulot ng limitadong pinagkukunang-yaman at ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang kakapusan na ito ay nagtutulak para sa mga tao upang matutong magdesisyon batay sa mga kanyang pangangailangan at sa limitasyon ng kanyang pinagkukunang-yaman.
Ang scarcity ay mahalaga upang maunawaan natin kung paano binibigyan ng halaga ang mga serbisyo at mga produkto. Ang mga produkto at serbisyo na malaki ang kakapusan ay madalas na binibigyan ng mas mataas na halaga dahil sa ito ay mas mahirap mahanap at malaki ang demand. Ang mga nagbebenta ay nagkakaroon ng dahilan upang magpatong ng malaking halaga kung ang kanilang produkto o serbisyo ay kakaunti lamang ang supply.
Ano ang mga Sanhi ng kakapusan?
May tatlong sanhi ng kakapusan, demand-induced scaricity, supply-induced scarcity, at structural scarcity.
- Demand-induced scarcity, ay nangyayari kung ang bilang ng supply ay hindi nagbabago ngunit tumataas ang bilang ng demand.
- Supply-induced scarcity, ay nagaganap kapag ang bilang ng supply ay higit na mababa sa bilang ng demand.
- Structural scarcity, ay nangyayari kung ang malaking bahagi ng populasyon ay walang access sa mga produkto at serbisyo.
Dalawang Uri ng Scarcity
Relative scarcity
Ito ay isang uri ng scarcity kung saan ang supply ay limitado at relatibo sa demand. Ito ay madalas dulot ng hindi pagkakaroon ng sapat na supply ng mga pinagkukunang-yaman sa mundo. Ito ay kaugnay sa supply. Ang isang halimbawa nito ay ang krudo langis at mga punong kahoy, ito ay isang limitadong resource na kinakailangan ng mga tao.
Maaaring maraming supply sa kasalukuyan ng mga ito ngunit ang mataas na demand natin sa supply ay maaaring magdulot ng kakapusan sa hinaharap. Ang langis ay isang likas na yaman na hindi natin kayang palitan sa isang mabilis na panahon.
Absolute Scarcity
Ito ay nangyayari kung limitado lamang ang supply ngunit hindi ito nakadepende sa demand o relatibo sa demand. Ang halimbawa nito ay oras, mayroon lamang 24 oras sa isang araw kahit tumaas o bumababa man ang pagnanais natin na magdagdag ang oras hindi ito magbabago.
Sanggunian:
Scarcity, www.investopedia.com
Scarcity, nationalgeographic.org
Samuelson, P. Anthony., Samuelson, W. (1980). Economics. 11th ed. / New York: McGraw-Hill.
Basahin din:
- Ano Ang Konsepto Ng Pag-Unlad?
- Outsourcing At Ang Mga Uri Nito
- Kahulugan Ng Employment, Unemployment At Underemployment