Cyclone, Hurricane, at Typhoon, Ano ang Pinagkaiba?
Ano ang pinagkaiba ng typhoon, cyclone at hurricane? Sa totoo lang, wala. Silang lahat ay mga bagyo lamang. Ang tanging pagkakaiba nila ay ang tawag sa kanila sa iba’t ibang rehiyon ng mundo.
Ang generic na tawag sa kanila ay “Tropical Cyclone”. Mabibigyan ng pangalan ang isang bagyo at magiging isang tropical storm kung ito ay magkakaroon ng hangin na may bilis na 63 kph(74 mph). Matatawag lang na Cyclone, Hurricane o Typhoon ang isang bagyo kapag umabot na sa bilis na 119 kph (74 mph) ang hangin nito.
Kung bagyo ay nabuo sa hilagang hemisphere ito ay iikot ng counterclockwise at kung sa timog naman ay clockwise ang ikot nito.
Hurricane ang tawag sa bagyo na nabubuo sa ibabaw ng silangan ng international dateline sa Pacific ocean at sa palibot ng Atlantic ocean. Cyclone naman tawag kung ito ay nabuo sa ibabaw ng Indian ocean at sa Coral sea sa hilagang-silangan ng Australia. Tinatawag naman na Typhoon ang mga bagyo na bubuo sa hilagang Pacific ocean sa kanluran ng international dateline.
Klasipikasyon ng Typhoon sa Pilipinas
Ito ang mga klasipikasyong sinusunod Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration(PAGASA) sa mga bagyong tumatama sa Pilipinas simula noong Mayo 1, 2015:
- TROPICAL DEPRESSION (TD) – a tropical cyclone with maximum sustained winds of up to 61 kilometers per hour (kph) or less than 33 nautical miles per hour (knots) .
- TROPICAL STORM (TS) – a tropical cyclone with maximum wind speed of 62 to 88 kph or 34 – 47 knots.
- SEVERE TROPICAL STORM (STS) , a tropical cyclone with maximum wind speed of 89 to 117 kph or 48 – 63 knots.
- TYPHOON (TY) – a tropical cyclone with maximum wind speed of 118 to 220 kph or 64 – 120 knots.
- SUPER TYPHOON (STY) – a tropical cyclone with maximum wind speed exceeding 220 kph or more than 120 knots.
UPDATE(March, 2022) Binago ng PAGASA ang paraan ng Klasipikasyon ng bagyo upang maging mas madali para sa pagkilala sa peligro na dala ng magkakaibang kategorya na ito at maging mas madali ang local forecasting. Ang klasipikasyon ng Super Typhoon ay ibinababa mula sa bilis ng hangin na dating 200kph patungo ng 185kph
Ito ay daw ay dahil halos pareho lamang ang epekto at ang pinsalang dala ng mga hangin na nasa Signal 4 at Signal 5 sa dating sistema.
Under the new system, these are the corresponding winds:
- Signal No. 1 – 39-61 km/h (previously 30 to 60 km/h), minimal to minor threat to life and property
- Signal No. 2 – 62-88 km/h (previously 61 to 120 km/h), minor to moderate threat to life and property
- Signal No. 3 – 89-117 km/h (previously 121 to 170 km/h), moderate to significant threat to life and property
- Signal No. 4 – 118-184 km/h (previously 171 to 220 km/h), significant to severe threat to life and property
- Signal No. 5 – 185 km/h or higher (previously more than 220 km/h), extreme threat to life and property
SOURCE: PAGASA changes super typhoon definition, wind signals – Rappler
YouTube Video
Karagdagang Kaalaman:
Ang bagyo na nagdulot ng pinakamadaming bilang ng namatay sa Pilipinas ay ang bagyong Haiphong noong 1881 na naiwan ng humigit kumulang 20,000 tao na namatay. Tatlong ulit ang bilang sa bagyong Haiyan(Yolanda) noong 2013 na tinuturing na pinakamalakas na bagyo sa modernong panahon sa Pilipinas na nagtala ng 6,300 na tao na namatay.
BASAHIN: Epekto ng Climate Change sa Buhay ng mga Pilipino