Ano ang Safe Spaces Act o ang RA 11313?
Ang Republic Act 11313 o Ang Safe Spaces Act ay isang batas na nilikha upang mapalawak ang sakop ng Anti-Sexual Harassment Act of 1995(Republic Act 7877). Ito ay pinirmahan ni president Rodrigo Duterte noong ika-17 ng Abril, taon 2019 at naisabatas noong ika-3 ng Agosto, taong 2019.
Nililinaw ng Safe Spaces Act ang gender-based harassment at ang mga uri ng akto na nagaganap sa mga pampublikong lugar at ang mga karampatang parusa ukol dito.
Ano ang pagkakaiba ng RA 7877 sa RA 11313?
Ang Anti-Sexual Harassment Act ay naglilinaw na ang sexual harassment ay nagaganap sa loob ng trabaho, paaralaan, at sa pook ng pagsasanay, kung saan ang tao na may awtoridad at influwensya ang nakagagawa ng mga akto ng sexual harassment sa kanilang mga empleyado, estudyante o mga trainee.
Ang kakulangan ng RA 7877 ay hindi nito isinasama ang mga insidente ng sexual harassment sa pagitan ng magkatrabaho, kaeskwela o kaibigan. Isa pa sa limitasyon ng lumang batas na ito, hindi binibilang ng RA 7877 ang mga kaso ng sexual harassment nanagaganap sa mga pampublikong lugar at sa mga online spaces.
Ito ang nais bigyan solusyon ng pagsasabatas ng Safe Spaces Act. Ang RA 11313 ay nilikha upang punan ang mga kakulangan ng Anti-Harassment Act kung saan kinikilala na rin nito na harassment ang mga akto na panggigiit sa pagitan ng mga magkaeskwela; trabahador sa kanyang amo; estudyante sa kapwa niya estudyante o estudyante sa kanyang guro; isang trainee sa kanyang trainer.
Ito rin ay nagbibigay ng susundin na balangkas sa paglutas sa mga kaso ng harassment sa loob ng mga institusyon at nililinaw din ng batas na ito na ang sexual harassment ay nagaganap hindi lang sa loob ng eskwelahan at trabaho kung ’di ay nagaganap din ito sa mga pampublikong lugar.
Ano ang mga Maituturing na Gender-based Harassment?
Pampublikong Lugar
Ang mga sumusunod ang mga halimbawa ng mga gawain na maaaring maturing na gender-based harassment sa pampublikong lugar:
- Catcalling
- Wolf- whistling
- Unwanted invitations
- Mga pagamit ng transphobic, homophobic, misogynistic at sexist na mga salita at komento
- Hindi nais na puna o komento sa itsura ng isang tao
- Pagsasambit ng mga komento na may sekswal na suhestyon
- Sapilitan na pagkuha ng personal na detalye tulad ng phone number at email address
- Panghihipo
- Public masturbation
- Pagbabanta sa iyong kaligtasan, lalo kung nagaganap ito sa mga kalsada, parke at eskinita
Online Spaces
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa naman ng akto na maituturing na harassment sa loob ng mga online spaces tulad ng social media, chat rooms, forums at iba pa:
- Pagbabanta ng akto ng pisikal, emosyonal, sikolohikal na pananakit sa pamamagitan ng mga Information Communication Technology(ICT)
- Mga pagamit ng transphobic, homophobic, misogynistic at sexist na mga salita at mga komento online, sinabi man nya ito sa isang public comment/post o sa pamamagitan ng private messages.
- Hindi pagrespeto sa privacy ng bikitma sa pamamagitan ng cyberstalking at paulit-ulit na pagpapadala ng hindi ninanais na mga mensahe
- Pagpapadal o pag-uupload sa biktima ng kahit anong uri ng mga media tulad ng larawan, video at voice mail na may sekswal na nilalaman.
Ano mga Tinuturing na Pampublikong Lugar ng Safe Spaces Act?
Ang pampublikong lugar ay mga lugar na may malayang access o may permiso na makakapasok ang publiko, hindi mahalaga ang kung sino ang nagmamay- ari.
- streets and alleys,
- roads, sidewalks, public parks,
- schools, buildings,
- churches,
- public washrooms,
- malls,
- bars and restaurants,
- internet shops,
- transportation terminals,
- public markets,
- spaces used as evacuation centers,
- government offices,
- public utility vehicles(PUV) kasama ang mga private vehicles na sakop ng app-based transport network services*
- iba pang recreational spaces tulad ng cinema halls, theaters and spas.
*Kasama dito ang mga serbisyo na binibigay ng Grab, Uber, Ankas at iba pang mga Transport Service Vehicle Services(TNVS)
Iba pang Artikulo
Ano ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law?
Ano ang Magna Carta for Women?
External Links:
Safe Spaces Act IRR signed
What’s Next for the Safe Spaces Act?