Ano ang Monarkiya: Ang Kahulugan at Halimbawa nito
Ano ang kahulugan ng Monarkiya?
Ang monarkiya ay isang sistema ng pamahalaan na nagtatalaga sa isang tao bilang ulo ng estado habangbuhay, hanggang siya ay pwersahan na mapaalis sa kapangyarihan o hanggang siya ay kusang loob na umalis sa pwesto.
Ito ay isang sistema na kilala sa katangian nito ng pagpapasa ng kapangyarihan at awtoridad. Madalas na ipinapasa sa pamamagitan ng line of succession o sa isang wastong proseso ng pagmamana kaugnay sa dugo at nang pagkasunod-sunod ng kapanganakan sa loob ng isang maharlikang pamilya.
Ang pinagbabatayan at pinagmumulan ng awtoridad ng karamihan sa mga monarkiyo ay nakaugat sa tradisyon at paniniwala ng isang bansa. Tinuturing din ng maraming bayan na sumusunod sa uri ng pamahalaan na ito, lalo na ang mga kanluraning bansa, na ang kapangyarihan ng isang monarko ay may banal na pinagmulan, tinatawag din ang paniniwala na ito na divine right.
2 Uri ng Monarkiya
Absolute Monarchy
Ang absolute monarchy ay isang pamahalaan kung saan ang monarko o ang hari ay may absolute na kapangyarihan bilang tagapagpaganap, tagapagbatas at bilang hukom.
Constitutional Monarchy
Sa isang constitutional monarchy, limitado lamang kapangyarihan ng isang monarko. Madalas ang mga bansa na gumagamit ng uri na ito, ang kapangyarihan ng isang monarko ay limitado lamang sa pagiging isang simbolo ng bayan at ang pagiging ulo ng bansa(Head of Nation).
Mga Halimbawa ng Monarkiya
Marami pa rin na bansa ang sumusunod sa sistemang ito.
Ang United Kingdom ay ang may isa sa pinakasikat na halimbawa nito ngunit simboliko lang ang kapangyarihan na hawak ng mga maharlika sa pamahalaan.
Ngunit sa mga bansa tulad ng Saudi Arabia at Morroco, ang kapangyarihan ng kanilang mga monarko ay absolute at sila ang tinuturing na pinakamataas na politikal na awtoridad sa loob ng kanilang mga bansa.