Ano ang Konsepto ng Pag-unlad?
Ang pag-unlad ay madalas tumutukoy sa dahan-dahan na pagbabago, pagsulong at paglago ng isang bagay o gawain.
Pagdating sa sosyo-ekonomikong pag-unlad, ang pag-unlad ay isang salita na mas naiuugnay sa mga pagbabago na nagdudulot ng mabuti. Ngunit ang ideya ng isang tao tungkol sa maituturing na pag-unlad ay maaaring iba sa ideya ng ibang tao dahil maaaring sukatan nila ng pag-unlad ay magkaiba.
Maaari natin ito bigyan ng isang simpleng kahulugan, ang pag-unlad ay ang pagdudulot ng mga panlipunan na pagbabago na maaaring mag-angat sa kalidad ng pamumuhay ng mga tao.
Ang Pag-unlad bilang isang pulitika na idea
Ang pananaw kaugnay sa pag-unlad ay maaaring magbago depende sa organisasyon at mga indibidwal na nais magkamit nito, kaya madalas itong sumasalamin sa ibat ibang agenda ng mga tao na kumikilos para sa pag-unlad
Halimbawa na lamang ay ang ideya ng pag-unlad batay sa World Bank ay isang pag-unlad na sustenable. Hindi lamang pagtatayo ng mga magarbong gusali o pagiging urbanisado ng isang lugar, ang pag-unlad ay dapat nagdudulot ng pangmatagalang epekto magandang epekto sa mga tao dulot ng ibat ibang mga proyekto at patakaran na may layunin na pagaanin ang mga epekto ng mga panlipunan na suliranin.
Isa rin sa dapat tandaan ay ang pag-unlad ay isang proseso at hindi ang kalalabasan; maituturing na isang dinamikong proseso ang pag-unlad dahil maaaring magbago ang pagkilos para makamit ito.
Lalong maituturing na isang pulitika na konsepto ang pag-unlad kapag pumasok na ang mga katanungan kaugnay sa kung sino ang may kapangyarihan upang gumawa ng pagkilos para sa pag-unlad at ano ang mga limitasyon at sakripisyo na kayang ibigay ng isang lipunan sa ngalan ng pag-unlad.
Paano mo malalaman kung ang isang bansa ay mas maunlad kumpara sa ibang bansa?
Ito ay maaaring sukatin sa pamamagitan ng pagtingin sa mga GDP at GNP, at iba pang mga indicator ng yaman ng isang bansa. Kahit na ito ay ang pinakamadaling paraan para masukat ang pagsulong ng isang bansa ito ay hindi sapat para alamin kung tunay nga na may nagaganap na pag-unlad.
Isa sa dapat bigyan ng pansin din ay ang alokasyon ng yaman sa loob ng bansa na iyon. Dapat malaman kung ang mga pinagkukunang-yaman ay ipinamahagi ng patas sa mga mamamayan; mayroon bang mura at madaling access ang mga tao sa ibat ibang mga serbisyo tulad ng edukasyon at hospital.
Ito ay isa sa mga rason kung bakit ang mga bansa na magkalapit lamang ang mga GDP at ang Average Income ng mga tao ay nakakaranas pa rin ng malaking pagkakaiba sa kalidad ng pamumuhay sa bawat bansa. Kahit na pareho lamang ang kita ng dalawang bansa, ang antas ng literasiya, bilang ng krimen, antas ng kahirapan at iba pang panlipunang isyu ay maaaring iba pa rin ang kanilang karanasan
Sanggunian:
- 2.1 What is development?, https://www.soas.ac.uk/cedep-demos/000_P501_USD_K3736-Demo/unit1/page_12.htm
- What is Development – A Definitive Guide, https://www.mdgmonitor.org/what-is-development-guide/
BASAHIN DIN:
Kahulugan ng Employment, Unemployment at Underemployment
Ano ang Implasyon? : Kahulugan, Sanhi at Epekto