Special Leave Benefits ayon sa Magna Carta for Women
Ang mga special leaves na ito ay iba pa sa maternity leave. Ito ay mga leaves na may kaugnayan sa mga pagkakataon na ang isang babae ay sumailalim sa isang medikal na operasyon kaugnay sa kanyang reproductive health.
Ang mga special leave na ito ay bahagi ng Republic Act 9710 o ng Magna Carta for Women, isang batas na ipinasa para protektahan ang mga karapatan na taglay ng kababaihan sa Pilipinas, lalo na ang mga babaeng bahagi ng marginalized na sector ng lipunan.
Ano ang Special Leave sa Ilalim ng Magna Carta?
SEC. 18. Special Leave Benefits for Women. – A woman employee having rendered continuous aggregate employment service of at least six (6) months for the last twelve (12) months shall be entitled to a special leave benefit of two (2) months with full pay based on her gross monthly compensation following surgery caused by gynecological disorders.
Magna Carta for Women, Sec 18
Ayon sa Guidelines of Availment of the Special Leave Benefits for Women, Ang mga babaeng empleyado ng pampublikong sektor na nakapaglingkod ng sapat na araw na makakabuo ng anim (6) na buwan sa isa o iba’t ibang ahensya sa loob ng labing dalawang (12) buwan bago ang operasyon sa kahit anong gynecological na sakit, anuman ang kanyang edad o civil status, ay maaaring makinabang sa special leave na nilalaman ng Magna Carta for Women.
Maaaring gamitin ang special leave sa bawat pagkakataon na nangangailang ng operasyon kaugnay sa isang gynecological disorder. Ito ay hindi lalagpas ng dalawang (2) buwan kada taon at ang mga araw na sakop ng leave na ito ay bayad batay sa buwanan na sweldo ng isang empleyado.
Gaano kahaba ang Isang Special Leave?
Para sa mga minor surgery, maaari mabigyan ang isang babae ng ‘di lalagapas sa 2 linggo na pahinga pagkatapos ng operasyon. Samantala ang mga major surgery ay maaari mabigyan ng 3 linggo hanggang 2 buwan na pahinga pagkatapos ng operasyon.
Makikita sa Annex A ng Resolution ng Civil Service Commission ang listahan ng mga operasyon na tinuturing nila na minor at major surgery.
Paano Ito Mapapakinabangan ng mga Babae?
- Kailangan mo maghain ng leave form limang (5) araw o mas maaga pa bago ang takdang araw ng operasyon. Para sa mga empleyado ng pamahalaan, ang aplikasyon na ito ay gagawin sa pamamagitan ng Civil Service Form 6, ito ay dapat pirmado ng empleyado at wastong awtoridad. Kung Pribadong Empleyado naman, kung akmang leave form ang ginagamit sa loob ng kompanya ang kailangan,
- Kailangan na kasama ng leave form ang medical certificate mula sa wastong medikal na awtoridad na nagsasaad ng maikling paliwanag ukol sa gynecological disorder na kailangan operahan o naoperahan na; histopathy report; operative technique na ginamit sa operasyon; gaano katagal ang operasyon; gaano katagal ang confinement; at ang inaasahang panahon para makapagpahinga ang empleyado sa operasyon.
- Kung naging biglaan ang operasyon, magbibigay siya ng kompletong leave form sa kanyang pagbabalik sa trabaho.
- Sa kanyang pagbabalik, dapat siya ay may sertipikasyon mula sa doctor na nag-opera sa kanya na siya ay nasa wastong kalusugan na para makapagtrabaho.
Ang mga leave na ito para masigurado ang kalusugan ng mga babae sa loob ng isang kompanya. Sa pamamagitan ng Magna Carta for Women, hindi na kailangan indahin ng kababaihan ang kanilang mga sakit sa takot na wala silang kikitain kung sakaling sila ay lumiban ng ilang lingo dahil sa isang operasyon.
Iba pang Artikulo
Ano ang Magna Carta for Women?