Ano ang World War I(WWI) at ang mga Sanhi nito?
Maraming rason kung bakit nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig (WWI). Ilan sa mga tinuturong salik kung bakit nagsimula ang World War I ay ang mga politikal, panteritoryo, at pang- ekonomiyang sigalot sa pagitan sa mga bansa, ang pagsisimula ng militarismo sa Europa, pag-usbong ng nasyonalismo, imperyalismo, komplikadong alyansa sa pagitan sa mga bansa at ang pagbagsak ng Ottoman empire. Ang Europa ng panahong ito ay isang metaporikal na bomba na nag-aantay ng mitsa dahil sa matinding tensyon sa pagitan ng mga bansa sa loob nito.
Ang naging mitsa ng digmaan na ito ay ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria ng isang nasyonalistang Bosnian Serb na si Gavrilo Princip. Ito ay nagdulot ng lalong pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Austria- Hungary at ng Serbia at hindi nagtagal ay naisali ang Germany, Russia, France at Britanya dahil sa mga Alyansang kanilang kailangan tuparin.
Lalo pa lumalala ang tensyon dahil sa mabagal na diplomatikong komunikasyon sa pagitan ng mga bansang sangkot sa digmaan na ito. Hindi rin nakatulong na ang mga bansa sa Europa ay may malakas na mga hukbo dahil sa ilang taong militarisasyon bago ang kaganapan na ito.
Mga Dahilan ng Pagsisimula ng WWI
Upang higit natin maitindihan ang pagsisimula ng WWI kailangan natin isa-isahin ang mga salik na naging rason para magsimula ang digmaan na ito:
Ang mga Alyansa bago ang WWI
Ang alyansa ay isang kasundaan sa pagitan ng dalawa o mas marami pang mga bansa na nangangako na tutulungan nila ang bawat isa sa panahon ng nila, halimbawa ay sa kaganapan ng isang digmaan.
Sa pagitan ng 1879 hanggang 1914, maraming mga kasunduan ng alyansa ang napirmahan sa pagitan ng mga bansa sa Europa. Ito ay nangangahulugan na kung magdeklara ang kanilang kakampi ng giyera sila ay obligado na magdeklara din sa kalaban ng kanilang kakampi. Sa ibaba ay listahan ng mga kasunduan na nabuo bago ang WWI:
- 1879, Dual Alliance – Ang Germany at Austria- Hungary ay lumikha ng alyansa para protektahan ang kanilang sarili laban sa Russia.
- 1881, Austro – Serbian Alliance – May kasunduan ang Austria- Hungary at Serbia para labanan ang pagkuha ng kontrol ng Russia sa Serbia.
- 1882, Triple Alliance – Ang Germany at Austria- Hungary ay gumawa ng alyansa kasama ang Italy. Ang tangin rason ay para mapigilan ang Italy na bumuo ng isang alyansa kasama ang Russia.
- 1894, Franco-Russian Alliance – Ito ay ang alyansa sa pagitan ng France at Russia para protektahan ang kanilang sarili laban sa Germany at Austria- Hungary.
- 1907, Anglo-Russian Entente – Ito ay alyansa sa pagitan ng Britanya at Russia
- 1907, Triple Entente – Ito ay ang alyansa sa pagitan ng Russia, Britanya at France( noong 1914, sa kasagsagan ng digmaan ay nagkasundo na hindi pipirma ng kasunduan ng kapayapaan nang hindi sang-ayon ang lahat ng kasapi)
Imperyalismo
Sa kabuuan ng 1900’s, ang Britanya ay may malaking kontrol sa limang bansa sa iba’t ibang kontinente samantala ang France ay may malaking impluwensya sa mga lupain sa Africa. Dahil sa pag-usbong ng industrialisasyon sa Europa, maraming mga bansa ang naghahanap ng mga merkado kung saan sila maaari magbenta ng kanilang mga produkto at makakuha ng mga hilaw ng materyales.
Sa panahon na ito ang mga Europeyong bansa na nahuli sa pag-angkin ng mga kolonya ay napilitan na magmay-ari nang mga malilit na lupain lamang. Ito ay nagdulot na sigalot sa pagitan ng Germany at dalawang bansa na karibal nito sa kolonisasyon, ang Britanya at France na parehong may mga malalaking pag-aaring kolonya sa daigdig.
Ang isang motibo na tinuturiong nag-udyok sa mga bansa magsimula ng digmaan ay ang kolonisasyon at mga yaman na makukuha sa mga kolonya. Ito ay dahil ang digmaan ay maaaring magdulot ng pagbabago mga teritoryo at sa pagkakaguhit ng mapa ng daigdig.
Kung mananalo ang Germany sa isang digmaan laban sa mga karibal nito sa kolonisasyon, maaari niyang makuha ang ilang sa mga kolonya na hawak ng France at Britanya sa Africa at Asya.
Militarismo
Ang militarism ay nangangahulugan nang pagbibigay ng matatas na posisyon o kapangyarihan sa hukbo at sa mga opsiyal ng military sa loob ng pamahalaan, isang halimbawa nito ay si Otto von Bismarck na nanguna sa Germany sa WWI. Dahil sa hidwaan sa pagitan ng mga Europeong bansa, ito ay nagdulot ng pag-iipon ng mga sandata at karera para makabuo ng malaking hukbo kaysa sa kanilang kalabang bansa. Mula 1870 hanggang 1914, nagawan ng France at Germany na doblehin ang bilang ng kanilang mga hukbo samantala ang Britanya at Germany ay papalakasan ng kanilang mga hukbong pandagat.
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa
Bilang resulta ng pagkatalo ni Napoleon Bonaparte, ang Congress ng Vienna na binubuo ng alyansang tumalo kay Napoleon(Britanya, Russia, Austria at Prussian) ay gumawa ng mga hakbang para sa muling pagsasaayos ng Europa ngunit ito ay nagdulot upang parehong maiwan ang Germany at Italya na naging dahilan ng paghina ng kanilang teritoryo at maging hiwa-hiwalay na estado. Ito ay nagdulot ng malaking nasyonalistang pagkilos sa parehong bansa na naglalayon na muling mabuo ang Italya(1861) at Germany(1871).
Kasunod nito, sa pagtatapos ng Franco-Prussian war, malaki ang ikinagagalit ng France sa Germany dahil sa malaking bahagi ng kanilang teritoryo ang napailalim sa kontrol ng Germany at nagnanais sila na mabawi ang mga ito.
Sa kabilang ibayo ng Europa, ang Autria-Hungary at Serbia naman ay nananahan ang iba’t ibang nasyonalistang mga pangkat na nagnanais ng kalayaan at magkaroon ng sariling bansa. Ang mga nasyonalistang adhikain na namumuo sa Serbia at Austria-Hungary ay nagdulot ng tensyon sa kanilang rehiyon.
Ang Krisis sa Bosnia at ang Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand
Noong 1908, nilagay ng Austria-Hungary ang probinsya ng Bosnia sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ito ay ikinagalit ng Serbia na naniniwala na pag-aari nila ang Bosnia. Tinakot ng Serbia ang Austria-Hungary na sila ay magdedeklara ng digmaan kung hindi pabibitawan ng Austria ang Bosnia.
Ang Russia na kakampi ng Serbia ay naghanda sa digmaan at ang Germany na kakampi ng Austria-Hungary ay naghanda din ng mga pwersa nila. Umatraas ang Russia sa hamon nito bago pa tuluyan na may naganap na labanan kaya naiwasan ang isang digmaan.
Noong 1911 hanggang 1912, nagkaroon ng digmaan kung saan napaalis ng mga estado sa Balkan ang Turkey sa kanilang lugar. Pagkatapos nito nagsimula magtalo ang mga Balkan states sa kung sino ang nagmamay-ari sa mga teritoryo na naiwan ng Turkey. Dito pumasok ang Austria- Hungary upang ayusin ang sigalot at kasabay nito napwersa din ng Austria ang Serbia na bitawan ang mga teritoryo na kanyang inaangkin sa lugar na ito. Ito ay nagdulot ng mas mataas na tensyon sa pagitan ng Austria at Serbia.
Hunyo 28,1914, sa Sarajevo, Bosnia, nasawi si Archduke Franz Ferdinand, ang tagapagmana sa trono ng Austria-Hungary, at ang kanyang asawa na si Sophie nang tambangan at barilin sila ng isang nasyonalistang Serbian na si Gavrilo Princip. Si Franz Ferdinand ay nasa Bosnia para tignan ang kalagayan ng kapayapaan sa lugar na iyon. Isa pa sa rason ay ang pagpapasinaya sa nagaganap na military exercises sa Bosnia.
Si Gavrilo Princip ay miyembro din ng teroristang pangkat na Black Hand ngunit ang sinasabing motibo niya sa pagpaslang sa Archduke ay ang pagnanais ng mga Serbian na matapos ang pamumuno ng Austria-Hungary sa Bosnia at Herzegovina.
Ang kamatayan ni Archduke Franz Ferdinand ay ang nagtulak upang mas lumala ang tensyon sa Austria at Serbia dahil nasisi ang pamahalaang Serbia sa pag-atakeng nangyari.
Isang buwan matapos naganap ang pagpaslang sa tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary noong Hulyo 28, 1914, nagdeklara ng giyera ang Austria laban sa Serbia. Sa loob lamang ng anim na araw, isa-isang sumali ang iba’t ibang bansa sa digmaan na ito. Nang magsimula ang pagkilos ng hukbong military ng Russia, nagdeklara ng digmaan ang Germany laban sa Russia. At nagsimula ang pagkalat ng digmaan sa lahat ng bansang bahagi ng iba’t ibang alyansa.