4 na Gamit ng Salapi
Ano ang Salapi?
Ito ay kahit anong bagay na maaaring magtaglay ng 4 na gamit:
- tagapamagitan ng palitan tuwing nagsasagawa ng kahit anong transaksyon(Medium of Exchange)
- Isang paraan ng pagsukat sa halaga sa pamamagitan ng paglalahad ng presyo ng kasalukuyan o hinaharap na transaksyon. (Measure of Value)
- Batayan ng mga ipinagpapaliban na bayad na ginagamit sa pagpapahiram at pagbabayad ng mga utang na may kasamang interes. (Standard of Deferred Payment)
- Ito ay maaaring maging reserba ng halaga na nagbibigay ng kakayahan sa isang tao ng mag-ipon para sa hinaharap at gastusin ang halaga na iyon sa kasalukuyan. (Store of Value)
Ano ang Pangunahing Tungkulin ng isang Sistemang Pananalapi?
Ang pangunahing tungkulin ng isang sistemang pananalapi ay siguraduhin na ang isang lipunan ay may salapi na tinatanggap lahat at may sapat na flexibility para maharap nito ang supply na kinakailangan ng lahat ng gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa.
Ano ang ilang halimbawa ng salapi na ginagamit sa Pilipinas?
May tatlong uri ng salapi na karaniwang ginagamit sa ating bansa; barya(coins), perang papel(paper money) at demand deposit o checking account money.