Foreign Exchange Rate at Remittances
Ano ang nagdudulot ng pabago bagong halaga ng piso?
Para maintindihan ang dahilan kung bakit nangyayari ang pagtaas at pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar, kailangan natin alamin kung ano ang foreign exchange rate.
Ang foreign exchange rate ay ang presyo ng isang unit ng dayuhang salapi batay sa ginagamit na salapi ng bansa. Sa kaso ng Pilipinas ito ang exchange rate madalas na nakalahad bilang isang US dollar at ang halagang katumbas nito sa piso.
Mayroon din dalawang sistema na ginagamit para malaman ang exchange rate ng mga salapi. Sa floating exchange rate ang halaga ng dolyar kumpara sa piso ay nalalaman batay sa mga palitan ng pera sa pagitan ng mga bangko mula sa iba’t ibang bansa, sa madaling salita naaapektuhan ng supply at demand ang tulad ng mga produkto na binebenta at ipinagbibili merkado ang presyo ng piso at dolyar. Sa kabilang banda meron din fixed exchange rate kung saan ang pagbabago ng presyo ng isang salapi ay apektado ng mga opisyal na announcement at mga desisyon mula sa isang bangko sentral.
Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay sumusunod sa sistema ng floating exchange rate kung saan hinahayaan lamang ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagbabago ng halaga ng piso laban dolyar sa epekto ng pwersa ng merkado. Nakikialam lamang ang Bangko Sentral kung may labis o biglaang pagbaba o pagtaas sa exchange rate ng piso at dolyar.
Paano nakakaapekto sa exchange rate ng piso ang remittances ng OFW?
Ang OFW remittances ang isa sa pinakamalaking pinagmumulan ng dolyar sa bansa. Kung inyong mapapansin sa mga panahon na kadalasan na naglalabas ng pera ang mga Pilipino tulad ng pasko at umpisa ng klase unti-unti lumalakas ang piso sa dolyar at bumabagal ang pagtaas ng implasyon(pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin).
Ang pagtaas ng halaga ng piso ay nagmumula sa mas mataas na export kaysa import at ang remittances ng mga OFW tuwing kapaskuhan ay nakadadagdag dito. Dahil sa mas marami ang dolyar ng pumapasok sa Pilipinas kaysa sa pisong lumalabas sa tulong ng mga OFW ito ay nagdudulot ng pagbaba ng halaga ng dolyar sa loob lamang ng Pilipinas.
Ang tawag dito ay depreciation kung saan nababawasan ang halaga ng salapi. Madami ang rason para mag-depreciate ang halaga ng pera, sa kaso ng epekto ng OFW remittances ito ay nagdudulot malaking supply ng dolyar sa loob ng bansa kaya ito nangyayari.
Ano ang mga magandang epekto ng pagtaas ng halaga ng piso?
Isa sa magandang epekto nito ay sa pagbili ng mga pangunahing produkto na kinakailangan ng bansa tulad ng langis, uling at mga pagkain at di direkta nito naaapektuhan ang mga kompanya na bebenta ng utility sa masa tulad ng kuryente, refined oil, at iba pa.
Sa mga nagbabayad ng utang (lalo na sa halaga ng dolyar) ito ay malaki ang naitutulong dahil sa lumiliit na lamang halaga na kailangan niyang bayaran. Ang ating pamahalaan ang isa sa nakikinabang dito, nagagawa magbayad ng Pilipinas bayaran ang mga utang nito sa mga iba’t ibang bansa.
Ano ang mga masamang epekto ng pagtaas ng halaga ng piso?
Ito ay masama paras mga negosyo lalo na sa mga export-based business dahil sa kapag bumaba ang halaga ng dolyar bababa din ang halaga na babalik sa mga negosyante kumpara sa halaga na ginamit nila para likhain ang produkto nila. Pangalawa, masama ito sa mga dayuhang nagpapautang dahil sa nababawasan ang halaga na kanilang pinahiram. Ikinababahala rin ng pamahalaan na maaaring magdulot ng “dutch disease” o ang pagbaba ng pagiging competitive ng salapi sa global na merkado dahil sa pagtaas ng halaga ng salapi.
Ibang Artikulo
Special Leave Benefits ayon sa Magna Carta for Women
Ano ang Heograpiya?
Isyu Pangkapaligiran sa Pilipinas
Ang 4 na Sistemang Pang-ekonomiya
Mga Salik ng Cold War
Ano ang Pinagkaiba ng Sex at Gender?