Ano ang Pagkakaiba ng Pagkamamamayan at Nasyonalidad?
Ang pagkamamamayan ay isang legal na katayuan na kinikilala ang isang indibidwal bilang bahagi ng isang estado salamantalang ang nasyonalidad ay madalas na tumutukoy sa lugar kung saan ipinanganak ang isang tao o kung saang estado siya may pagkamamamayan.
Madalas ang terminong pagkamamamayan at nasyonalidad ay nagpapapalit dahil madalas walang pagkakaiba sa nais nitong tukuyin. Dahil sa karamahin ng mga bansa sa mundo ay mga “nation-states”, Kadalasan na ang nasyonalidad ay ginagamit din upang magsilbing pantukoy sa pagkamamamayan ng isang tao. Ang mga katangian na taglay ng bansa at estado ay halos walang pagkakaiba sa ilalim ng isang nation-state.
Ano ang Nasyonalidad?
Ang nasyonalidad ay tumutukoy sa kung saan ipinanganak ang isang indibidwal o sa relasyon ng isang individual sa isang bansa o estado batay sa kanyang etnisidad at lahi. Ito ay nakakamit ng isang tao sa pamamagitan ng pagkapanganak sa loob ng isang bansa o pamamagitan ng pagmamana sa nasyonalidad ng kanyang mga magulang.
Ang nasyonalidad ay hindi maaaring mabago o iwaksi. Wala rin kahit sinoman ang maaaring magkaroon ng higit sa isang nasyonalidad.
Lahat ng tao ay may karapatan sa pagkakaroon ng nasyonalidad, batay na rin ito sa Universal Declaration of Human Rights(UDHR). Ito ay dineklara sa Article 15 ng UDHR na “Everyone has the right to a nationality” at “No one shall be arbitrarily deprived of his nationality nor denied the right to change his nationality”. Ang bawat estado sa mundo ay may mga patakaran at batas na ginagamit upang magbigay ng mga criteria sa pagtukoy ng nasyonalidad ng isang tao, ito ay binabatay nila sa kanilang mga nationality laws.
Mahalaga ang nasyonalidad sa pagtanggap ng kabuuang pagkilala mula sa mga international laws.
Pagkakaiba ng Nasyonalidad, Etnisidad at Lahi
Ang etnisidad ay hindi pareho ng nasyonalidad. Ang etnisidad ay tumutukoy sa kultura ng isang tao na kanyang kinalakihan at ang pangkat ng tao na nagmula sa iisang ninuno, relihiyon, kultura at wika. Ang lahi ay iba rin mula sa etnisidad. Ang lahi ay tumutukoy sa pisikal at biolohikal na katangian na taglay ng isang pangkat ng tao, tulad ng kulay ng balat, kulay ng buhok, hugis ng mata at iba pang pisikal na katangian na naghihiwalay sa kanila sa ibang lahi.
Ano ang Pagkamamamayan?
Ang pagkamamamayan ay isang politikal at legal na katayuan ng isang tao na kung saan ang isang estado ay kinikilala siya bilang isang mamamayan. Ito ay maaaring makamit ng isang tao sa pamamagitan ng pagkapanganak sa isang bansa, pagmana sa pagkamamamayan ng magulang, kasal, sa proseso ng naturalisasyon at iba pa.
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay maaaring mabago kung saan ay iwawaksi niya ang una niyang pagkamamamayan. Ang isang tao ay maaaring maging mamamayan ng higit sa isang bansa.(halimbawa ay ang dual citizenship na pinapayagan sa Pilipinas at iba pang bansa)
Mahalaga ang pagkamamamayan upang makapagkamit ng mga pribelehiyo at mga karapatan mula sa estado, tulad ng karapatan na bumoto, nanirahan, magtrabaho, magbayad ng buwis at makibahagi sa iba’t ibang aspekto ng lipunan lalong lalo na sa bahaging politikal.
Ano ang Jus Soli at Jus Sanguinis?
Ang jus soli (right of soil) ay isang legal na prisipiyo na nagsasabi na ang pagkamamamayan at nasyonalidad ng isang tao ay matutukoy sa pamamagitan ng lugar ng kanyang kapanganakan(halimbawa ay ang teritoryo ng isang estado)
Ang Jus sanguinis (right of blood) ay isang legal na prinsipiyo na nagsasabi na sa kapanganakan pa lamang ay nakakamit na ng isang indibidwal ang kanyang nasyonalidad at pagkamamamayan mula sa kanyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod ng Pilipinas sa natural na pagkamamamayan.
Paano nakakamit ang Pagkamamamayan sa Pilipinas?
Sino ang mamamayan ng Pilipinas?
Sa ilalim ng 1987 Constitution, Article IV, Section 1, ang sumusunod ay matuturing na mga Filipino:
SEKSYON 1. Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:
(1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito;
(2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;
(3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Filipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Ano ang Naturalisasyon?
Ito ang proseso ng pagpapalit ng pagkamamamayan. Ito ay isang hudisyal na kilos na tumatunggap sa isang dayuhan at pagbibigay sa kanya ng mga karapatan at pribelehiyo na mayroon ang isang natural-born na mamamayan. Ito ay nangangailangan ng pagwaksi sa dating niyang pagkamamamayan.
Mga sanggunian
Connor, Walker (1994). Ethnonationalism: The Quest for Understanding.
What is the difference between nationality and citizenship?, economist.com
Difference Between Nationality and Citizenship, keydifferences.com
Citizenship FAQ, immigration.gov.ph
Citizenship vs. Nationality, What’s the Difference?, immi-usa.com
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, officialgazette.gov.ph
Iba pang Artikulo
Ano ang kahulugan ng Makabayan at Makabansa?
Perspektibo sa Kontemporaryong Isyu: Conflict Theory
Ano ang Magna Carta of Women?