Limang Tema ng Heograpiya
Mayroong limang tema ng heograpiya ito ay:
- Lokasyon
- Lugar
- Interaksyon ng Tao at Kapaligiran
- Paggalaw
- Rehiyon
Lokasyon
Ang anumang pook sa ibabaw ng daigdig ay may lokasyon. Ang lokasyon ay maaaring ilarawan sa dalawang paraan:
- Absolute LocationIto ay lokasyon na inilalarawan sa tulong ng latitude at longhitude ng daigdig. Maaaring kinakailangan ng mga instrumento upang masukat ng wasto ang lokasyon. Isang halibawa nito ay ang Pilipinas ay makikita sa 11.87 degree Hilagang latitude at 122.86 degree Silangang longhitude.
- Relative location, ito ay lokasyon na inilalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagay na makikita sa paligid ng isang pook o bagay. Halimbawa, (1) ang bansang Japan ay makikita sa Hilaga ng Philippine Sea, Kanluran ng Pacific Ocean, Silangan ng Korean Peninsula at Timog ng Russia. (2) Ang Baguio City ay mahigit 200 kilometro hilaga ng Malolos City.
Lugar
Ang lugar ay malalaman sa pamamagitan ng mga katangian na taglay nito o mga bagay na makikita sa pook na iyon. Ang lahat ng pook ay mga naiibang katangian na naghihiwalay sa kanila sa ibang mga pook sa daigdig. Ito ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng mga katangian ng pook na iyon tulad ng klima, biome at mga likas na yaman, at maaari rin ito matukoy sa katangian ng mga tao na nakatira dun tulad ng uri ng gobyerno, relihiyon, wika, at dami ng tao.
Ilan sa halimbawa nito ay
- Toponym: ang pangalan ng pook o mga katawagan sa topograpiya na makikita ditto.
- Site: ito ang lupa kung saan nakatayo ang isang gusali, bayan, o monument
- Population: bilang ng tao na nakatira sa isang lugar sa loob ng isang takdang panahon.
Interaksyon ng Tao at Kapaligiran
Ito ay naglalarawan sa mga paraan ng interaksyon ng tao at kanyang mga gawain sa kapaligiran, at kung paano nakakaapekto ang kapaligiran sa tao.
Tatlong konspeto kaugnay nito:
- Adaptation: Ang tao ay natututo bumagay at kumilos ng akma sa kanyang kapaligiran
- Dependency: Ang kabuhayan ng tao ay nakasalalay sa kapaligiran
- Modification: Binabago ng tao ang kapaligiran
Paggalaw
Ito ay ang paglalakbay ng tao, bagay, kalakal at ideya mula sa isang lokasyon patungo sa isa pa.
Ito ay maaaring dulot ng migrasyon ng tao mula sa bayan na una niyang tinirahan patungo sa iba. Ang ideya at kalakal ay kasabay na naglalakbay ng mga tao, ang kalakal ay pisikal na inililipat ng lugar samantalang ang ideya ay naipapasa sa pamamagitan ng salita at teknolohiya pangkomunikasyon tulad ng telepono at mga sulat.
Ang mga bagay na likas na makikita sa kapaligiran ay gumagalaw din sa pamamagitan ng mga natural na phenomena tulad ng erosion, paggalaw ng hangin at alon ng tubig.
Ang distansya ng paggalaw ay sinusukat ng tao sa pamamagitan ng tatlong konsepto:
- Linear Distance: tinutukoy lamang nito kung gaano kalayo ang maaaring lakbayin ng isang tao, bagay o ideya sa ibabaw ng mundo. Ito ay maaaring magbago depende sa mga pisikal na hadlang na makakaharap ng naglalakabay halimbawa ay isang bundok o ilog. Maaari din gamitan ng mga sistema at instrumento ng pagsukat ng distansya. Halimbawa ay ang metric system.
- Time Distance: Ang oras na kailangan para matapos ng isang tao, bagay o ideya ang paglalakbay. Ang mga modernong inbensyon ay nakapagbababa ng bilang ng oras na ginugugol natin sa paglalakbay.
- Psychological Distance: ito ay tumutukoy sa paano tinitignan ng tao ang layo ng isang lugar o bagay. Ito ay nakasalalay sa pananaw ng tao na iyon sa kung ano ang palagay niyang malayo o malapit. Maaaring makita niya na ang isang lugar ay mas malapit dahil sa mas pamilyar siya rito kaysa sa ibang lugar.
Rehiyon
Ang rehiyon ay mga bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng mga magkakatulad ng katangian. Maaaring ang isang rehiyon ay may isa o higit pang katangian na nagbubuklod sa kanila. Ito ay maaaring pisikal na kinaroroonan, kultura, kasaysayan, politikal na paniniwala o pang-ekonomyang pagtutulungan.
Ang rehiyon ay nakakategorya sa tatlong paraan: formal, functional at perceptual
Formal regions: ito ay mga rehiyon na ang mga taong nakatira ay may iilan lamang na katangian na makakaugnay. Ang mga pakakatuilad ng mga katangian ay maaaring makita sa kanilang wika, pang-ekonomiyang gawain at mga pisikal na katangian tulad ng kabuuang klima sa bahagi na iyon. Karamihan ng mga formal region ay may malinaw na hangganan at teritoryong kinasasakopan kaya mas madali silang makilala, tulad ng isang bansa o isang estado. Ilan sa halimbawa nito ay Europa, Africa, Pilipinas, United States at Canada.
Functional region: Ito ay mga rehiyon na isinaayos upang may tuparin na gamit bilang isang yunit, ito maaaring pampolitika, pang-ekonomiya o panlipunan. Ang isang Funtional region ay natuon sa pag-uugnay ng iba’t ibang pook sa pamamagitan ng mga sistema tulad ng transportasyon, komunikasyon o mga pang-ekonomikong gawain.
Ang isang siyudad ay maituturing na isang functional region dahil sa kalsada at mga tren na itanatayo nito upang ihatid ang mga tao sa kanya kanyang trabaho. Ang iba pang halimbawa ng functional region ay ang mga signal ng telebsyon at radio, mayroon lamang silang mga lugar na kayang abutin ng kanilang frequency. Isa pa ay delivery ng isang restaurant o courier, na may limitadong lugar na naaabot ng serbisyo.
Perceptual Region: ito ay mga rehiyon na nakabatay sa magkakatulad na damdamin at pananaw ng mga taong nakatira sa isang lugar. Ang perceptual region ay sumasalamin sa mga kultura at pagkakakilanlan ng mga taong nakatira sa isang pook. Walang malinaw na hangganan ng isang perceptual region at maaaring magbago depende sa pananaw ng iba’t ibang tao.
Ilan sa halimbawa nito ay ang Middle East, ito ay rehiyon na nagbabago ang hangganan batay sa mga kung ano ang tinuturing ng tao na mga bansang bahagi nito, ang Turkey ay dating tinatawag na “Near East” ngunit pagkatapos ng WWII ito ay isinama sa Middle East.
Sa Pilipinas, ito ay mga lugar na tinatawag nila na “katagalogan” at “kabisayaan”, dahil batay lamang ito sa wika na ginagamit ng tao sa mga lugar na iyon at madalas na nagbabago ang dami ng tao na gumagamit ng isang wika, nagbabago din ang maituturing na bahagi ng mga rehiyon na ito.
Mga Sanggunian
- 5 Themes of Geography, http://gladysporterhs.weebly.com/uploads/6/1/4/4/6144267/5_themes_of_geography.pdf
- Different Type of Regions, https://ontrack-media.net/gateway/worldgeography/g_wgm4l11s2.html
- Ganzel, Karen. “Geography Lesson Plans Using Google Earth”. Lesson Planet. Retrieved April 28, 2010.
- “The Five Themes of Geography” (PDF).
Iba pang Artikulo
- Ano ang Pagkakaiba ng Climate Change at Global Warming?
- Cyclone, Hurricane, at Typhoon, Ano ang Pinagkaiba?