Tayutay o mga Talinghagang Pagpapahayag
Ang matalinghagang pagpapahayag o tayutay ay nakakatulong maging masining at kaakit-akit ang pagpapahayag at pagsulat.
Ang Ilang Tayutay na Madalas na Ginagamit
Pagtutulad(Simile)
Ito ay isang tayutay na ginagamit upang paghambingin ang dalawang bagay, tao, o pangyayari. Ito ay ginagamitan ng pariralang tulad ng, para, kagaya, mistula, katulad at iba pa.
Halimbawa
- Ang kanyang labi ay parang isang matingad na rosas.
- Tulad ng isang bagyo ang galit ng aming ina.
Pagwawangis (Metaphor)
Ito ay nagsasaad ng tiyakang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, para, kagaya ng at iba pa.
Halimbawa:
- Kulay rosas ang kanyang mga labi
- Isang anghel ang kanilang anak.
Pagmamalabis (Hyperbole)
Ito’y mga pahayag na naglalaman ng eksaheradong kalagayan o pangyayari.
Halimbawa:
- Nakabibingi ang halakhak ni Alfredo
- Ilang milyong ulit na niyang pinagsabihan ang kanyang anak na maghugas ng pinagkainan.
Pagbibigay Katauhan (Personification)
Ito ay ang paglalapat ng mga katangian at gawi ng isang tao sa mga bagay bagay.
- Ang mataas na pagbaha ay ang ganti sa atin ng inang kalikasan sa pagkalbo natin sa kagubatan.
- Ngumingiti ang kapalaran sa mga taong may mabubuting gawa.
Pagpapalit Saklaw (Synecdoche)
Ito ay ang paggamit sa isang bahagi bilang pantukoy sa kabuuan o kaya ay ang isang tao ay kumakatawan sa isang pangkat o organisasyon.
Halimbawa
- Hiningi ng binata ang kamay ng kanyang kasintahan sa kasal.
- Tatlong bibig ang kailangan pakainin ni Pedro.
- Nangangailan ng limang pares pa ng kamay upang mabilis na maani ang palay ngayong taon.
Pagtanggi (Litotes)
Ito ay gumagamit ng salitang pantanggi tulad ng “hindi”, “ayaw” at iba pa upang ipahayag ang kanilang pagsang-ayon. Nais ng nagsasalita na iparating ang kabaligtaran ng kanyang sinasabi.
Halimbawa
- Hindi ako nais sabihin na mabagal ka magtrabaho pero hindi pa rin natatapos iyan.
- Ayaw kong isipin mong nag-aaway tayo ngunit gusto kong linawin kung bakit ako nagagalit.
- Siya ay hindi naiiba sa kanyang kapatid.
Paghihimig (Onamatopia)
Ito ay pagpapahayag sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita upang ipahiwatig ang kanyang kahulugan
Halimbawa
- Lumagapak ang bata sa sahig nang siya ay madapa.
- Walang tigil sa pagtilaok ang manok kaninang umaga.
- Ang kulog ay dumagundong pagtapos ng pagbagsak ng kidlat sa kalangitan.
Tanong Retorika (Rhetorical Question)
Ito ay isang pahayag na nasa anyo ng isang katanungan na hindi naghihintay ng sagot.
Halimbawa
- Natutulog ba ang Diyos?
- Anong tagumpay ang inaantay ni Juan na tamad?
- Sinong empleyado ang magtatagal sa amo na labis magreklamo?
Ibang pang Artikulo
Sino ang Pambansang Bayani ng Pilipinas?