Apat na Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Planning
Ang mga yugto pagpaplano sa sakuna ay isang mahalagang aspekto sa pag-iwas at pagbawas sa mga inaasahang epekto at pinsala nito sa mga mamamayan at sa komunidad. Bilang pagsunod na rin sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, inaasahan na maging aktibo ang mga lokal na pamahalaan at ang komunidad sa pagsuri sa mga sakuna at sa pagbuo ng mga plano upang mabawasan ang mga peligro na hinaharap ng mga tao tuwing mayroong kalamidad.
Ano ang Apat na Yugto ng DRRM?
- UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG KALAMIDAD (Disaster Prevention and Mitigation)
- IKALAWANG YUGTO: PAGHAHANDA SA KALAMIDAD (DISASTER PREPAREDNESS)
- IKATLONG YUGTO: PAGTUGON SA KALAMIDAD (Disaster Response)
- IKAAPAT NA YUGTO: REHABILITASYON AT PAGBAWI SA KALAMIDAD (Disaster Rehabilitation and Recovery)
Disaster Prevention and Mitigation
Sa layunin ng bahagi na ito ay tukuyin, suriin, tugunan ang mga hazard na makikita sa komunidad. Ang hazard ay mga bagay na maaaring magdulot ng pinsala at peligro sa mga tao. Ang disaster prevention ay naglalayon na tanggalin ang mga bagay na maaaring maging peligroso sa panahon ng kalamidad, samantalang ang disaster mitigation ay nagnanais naman na mabawasan inaasahan na risk at ang mga vulnerability ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga batas at polisiya kaugnay sa kaligtasan, pagsasanay ng kahandaan sa sakuna at pamamahagi ng wastong impormasyon.
Hazard Assessment
Ang Pagtataya ng Panganib ay proseso ng pagtukoy o pagkilala sa katangian ng panganib, pagsusuri sa pinsala na maaaring maidulot nito at pamamahala sa panganib upang maiwasan ang matinding epekto nito sa isang lugar na makararanas ng sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
Ang isang paraan ng pagtataya upang matukoy ang panangib na maaaring maranasan sa isang partikular na lugar ay ang pagsasagawa ng hazard mapping at timeline of events.
Vulnerability assessment
Sa bahaging ito, tinataya ang mga kahinaan na taglay ng mga tao sa lipunan, ang mga imprastruktura na nasa peligro, ang mga serbisyo na nasa panganib tuwing may sakuna at mga lokasyon na madalas maapektuhan ng mga sakuna.
Capacity Assessment
Ang Pagtataya ng Kapasidad ay ang proseso ng pagsusuri sa kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Inaalam sa bahagi na ito kung mayroon bang sapat na kasanayan at kagamitan ang isang komunidad para harapin ang mga iba’t ibang uri ng kalamidad na maaari nilang harapin sa hinaharap.
Risk Assessment
Sa pamamagitan ng Pagtataya ng Peligro nagiging matibay ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga panganib na maaaring makaapekto sa kanilang komunidad at nagkakaroon sila ng sapat na pagkakataon na maghanda upang maiwasan ang matinding epekto ng nito
Disaster Preparedness
Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Response. Ito ay tumutukoysamgahakbang o dapatgawinbago at sapanahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng mgamaapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhangpagkasira ng mgapisikalnaistruktura at magingsakalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mgamamamayan mula sa dinanas na kalamidad.
Disaster Response
Sa ikatlong yugto ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalangdulot ng isangkalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
Mahalagang maunawaan mo na sa yugtong ito ay napakahalaga ng koordinasyon ng lahat ng sektor ng lipunan na kasama din sa pagsasagawa ng una at ikalawang yugto.
Needs Assessment
Ang Pagtatasa ng Pangangailangan o Needs Assessment ay ginagawaupangmatukoy at matugunan ang mgapangunahingpangangailangan ng mgabiktima ng kalamidadtulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot.
Loss Assessment
Ang Pagtatasa ng Pagkawala o Loss Assessment ay pagsusuri sa pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng serbisyo o produksyon dulot ng kalamidad katulad ng pagkasira ng mga pananim.
Damage Assessment
Ang Pagsusuri sa Pinsala o Damage Assessment ay pagtukoysalawak ng pinsalangdulot ng kalamidadtulad ng pagkasira ng mgaimpraestruktura at kabahayan.
Disaster Rehabilitation and Recovery
Sa bahaging ito, sinusuri ang mganararapatnahakbang at gawain para samabilisnapagsasaayos ng mganapinsala ng kalamidad. Ang pagpapanumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ng pamumuhay ng mga mamamayang nasalanta ng kalamidad ang pangunahing tunguhin ng yugtong ito