Ano ang Kasaysayan at Kahalagahan Nito?
Ano ang Kasaysayan?
Ang kasaysayan ay ang record ng magkakasunod at importanteng pangyayari (na nakaaapekto sa isang tao, bansa, o isang institusyon) na madalas na may kaakibat na paliwanag sa mga sanhi nito. Ito ang tinatanggap na kahulugan ng karamihan ng tao kaugnay sa kasaysayan ngunit hindi lamang ito pag-aaral sa mga nakaraan na pangyayari sa mundo kung hindi ay pag-aaral din sa mga sanhi at mga bunga na mga pangyayari na ito.
Ang kasaysayan ay malaking bahagi sa bawat aspekto ng pamumuhay ng tao. Hindi lamang ito naiiwan sa apat na sulok ng silid aralan. Ito ay hindi lang pagtatala ng mga mahahalagang gawa ng mga dakilang tao, ito rin ay importante sa mga ordinaryong tao upang masuri ang mga sitwasyon na kanilang hinaharap sa pagsilip sa mga rekord ng nakaraan.
Ilang halimbawa kung paano nagagamit ang kasaysayan sa sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay ng tao ay:
- Mga tala ng importanteng kaganapan sa nakaraan
- Mga medical na record
- Mga larawan at mga kwento
- Mga tala ng panalo at talo ng iyong paboritong kupunan sa isport
- Record ng marka ng isang mag-aaral
Bilang Isang Mag-aaral, Paano Ko Dapat Tignan ang Kasaysayan?
‘History is not just a catalogue of events put in the right order like a railway timetable’ – A.J.P. Taylor
Ang salitang history, kasaysayan sa Filipino, ay nagmula sa Greyigong salita na “historia” na nangangahulugan na magtanong o magsiyasat.
Ang kasaysayan ay hindi lamang simpleng pagtatala ng mga pangyayari, isang malaking bahagi nito ay ang pag-iimbestiga sa katotohanan sa likod ng napakadaming record na mayroon.
Sa wastong na pag-aaral ng kasaysayan na nakatanim sa pagbuo ng mga tanong, pagsusuri sa nakaraan at pagberipika ng mga ebidensya na naglalayon na mahanap ang iisang katotohanan o maging mas malinaw ang isang bahagi ng nakaraan, tayo ay magkakaroon ng mas malinaw na larawan sa buhay ng mga tao sa nakaraan at pag-unawa sa mga pangyayari sa kasalukuyan.
Hindi na simpleng paglalahad lamang ng isang pangyayari ang kasaysayan. Ang pagtingin sa iba’t ibang perpekstibo ay mahalagang gawin.
Tignan natin ang kasalakuyang kasaysayan ng ating bansa, marami ang di nagkakasundo kung sino ang mga bayani o traydor sa kasaysayan dahil sa iba’t ibang pananaw at ebidensya na mayroon ngayon. Ito ay nagpapakita na mahirap makamit ang katotohanan ngunit mayroon tayong instrumento upang masuyod natin ang mga iba’t ibang kwento at edidensya, ito ay ang pagsusuri ng kasaysayan.
Bakit mahalaga pag-aralan ang kasaysayan?
Para malaman ang nakaraan
Sa pag-aaral ng kasaysayan matutunan mo ang mga paghihirap at tagumpay ng sangkatauhan. Ito ay maaring magbigay ng inspirasyon sa isang tao na gumawa ng kabutihan o magturo sa kanya na umiwas sa mga bagay na naglalantad sa kahinaan at kasamaan ng sangkatauhan at upang hindi na muling ulitin ang mga maling ginawa ng ating ninuno
Upang maunawaan ang kasalukuyan
Ang pagsusuri ng kasaysayan ay magbibigay sa isang tao ng pagkaunawa sa kasalukyang sitwasyon ng daigdig. Ang mga kinakaharap na suliranin ng mundo ay hindi lamang biglang lumitaw isang araw, ito ay nagmula sa nakaraan. Pagkamulat sa kasalukyan ay makakatulong upang pagbutihin pa ang hinaharap.
Upang mapalawaka ang perspektibo
Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nagbibigay ng pagkakataon sa isang tao upang makilala ang ibang lipunan, ibang kultura, at ito ay makakatulong sa isang tao na maunawaan ang pananaw ng iba. Ang pagkabuo ng empatiya sa iba ay nakaugat sa pag-unawa sa iyong kapwa.
Upang makapagkamit ng isang isip na mapanuri
Ang pag-aaral sa problema at sa kanilang solusyon ay importante sa pag-aaral ng kasaysayan. Mauunawaan mo ang mga ugat ng mga kontemporyayong isyu. Ang pagkaunawa sa nakaraan ay makakatulong sa iyo sa pagharap sa mga suliranin sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Follow, Subscribe, Comment, and Like the Aralipunan YouTube Channel
English Translation of the Article
Iba Pang Artikulo
Ano ang Heograpiya?
Isyu Pangkapaligiran sa Pilipinas
Ang 4 na Sistemang Pang-ekonomiya
Mga Salik ng Cold War
Ano ang Pinagkaiba ng Sex at Gender?