Ano ang K to 12 Law at ang mga Pagbabago na Dulot Nito?
Ano ang Enhanced Basic Education Law o ang K to 12 Law?
Ang Enhanced Basic Education Law of 2013 (Republic Act no 10533) o mas kilala bilang K to 12 Law ay naaprubahan noong ika-15 ng Mayo, Taong 2013 at naging epektibo noong ikawalo ng Hunyo, taong 2013. Ito ay isang batas nakatuon sa pagpapahusay sa edukasyon sa pamamagitan ng pagdadagdag ng bilang ng taon sa basic education ng Pilipinas, pagpapatibay sa mga kurikulum at paglalaan ng budget para sa pagpapatupad ng batas na ito.
Paano Binago ng K to 12 Law ang Bilang ng Taon ng Pag-aaral?
Batay sa batas na ito, ang taon ng pag-aaral ay binubuo ng isang(1) taon ng kindergarten, anim(6) na taon ng elementaryang pag-aaral, anim (6) na taon ng sekondaryang pag-aaral, sa ganoong pagkakasunod.
Ang sekondaryang pag-aaral ay nahahati sa apat (4) na taong junior high school at dalawang (2) taon ng senior high school. Ang Enhanced Basic Education ay maaaring iparating sa pamamagitan ng Alternative Learning System(ALS) para sa mga mag-aaral na walang kakayahan na pumasok sa regular na paaralan.
Ang kindergarten ay mandatory na bahagi ng pormal na edukasyon para sa mga bata na nasa edad na limang taon gulang bilang paghahanda sa kanilang unang baitang ng elementarya.
Ang elementarya naman ay anim na taon na pag-aaral at anim na taong gulang ang inaasahang edad para magsimula sa antas na ito ng edukasyon.
Ang sekondaryang edukasyon ay nahahati sa dalawang bahagi junior high(4 taon) at senior high(2 taon). Inaasahang masisimulan ng isang mag-aaral ang junior hig school sa edad na labingdalawa (12). Ang mga mag-aaral na papasok sa senior high ay inaasahan na masisimulan nila ang bahagi ng pag-aaral na ito sa edad na labing-anim (16).
Inoobliga ng batas na ito ang mga magulang o kung sino man ang nangangalaga sa bata na i-enroll o ipalista sa eskwelahan ang isang bata na nasa tamang edad para sa pag-aaral.
Paano Binago ng Batas na ito ang Pagpapatupad ng Curriculum?
Ang kasalukuyang kurikulum ay nakatuon sa isang learner-centered approach. Ninanais din ng kurikulum na magpatupad ng pag-aaral na research- based, at gender- at culture- sensitive na pag-aaral para sa mga estudyante.
Ninanais din nito matupad ang isang pag- aaral na contextualized o nauugnay ng mga mag-aaral ang mga aralin sa kanilang pamumuhay. Pinapatupad din ng kurikulum sa kasalukuyan ang Mother Tongue- Based Multilingual Education(MTB-MLE).
Ang curriculum din ay sumusunod sa isang spiral progression approach upang masigurado ang pagkadalubhasa sa mga asignatura. Ilalapit din sa karanasan ng mga mag-aaral sa paglolocalize at indiginize ng mga aralin sa eskwelahan.
Iba pang Artikulo:
Ano ang Safe Spaces Act o ang RA 11313?