Ano ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o ang World War II(WWII)
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o ang World War II(madalas na pinapaikli sa WWII o WW2) ay isang global na digmaan na naganap sa pagitan ng 1939 hanggang 1945. Maraming mga bansa ang naging bahagi ng digmaan na di nagtagal ay nahati sa dalawang magkatunggaling pwersa: Allied powers at ang Axis powers.
Ang World War 2 ang pinakamalubhang digmaan sa kasaysayan ng daigdig kung saan ay 70 hanggang 80 milyon na tao ang namatay sa labanan, karamihan ay mga sibilyan mula sa USSR(Soviet Russia) at China. Sa panahon din ito nasaksihan ng mundo ang malawakan at sistematikong genocide o ubos ng isang lahi, na tinawag bilang Holocaust.
Sa panahon naging malaking bahagi ng digmaan ang mga saksakyan pamhimpapawid at ang mabilis na pag-abante ng teknolohiya. Naging epektibong paraan ng pakikipaglaban ang mga estratihikong pambobomba kung saan papasabogin ang mga base military, daanan, tulay, daungan at iba pang importanteng gusali sa isang bansa. Sa loob din ng panahon na ito una at tanging pagkakataon ginamit ang atomic bomb laban sa isang bansa.
Buod ng mga Pangyayari ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nahati sa dalawang entablado, sa Europa at sa Asya-Pasipiko. Ang sigalot ay nagsimula sa Europa noong Septyembre 1, 1939 dahil sa biglaang pananakop ng Germany sa bansa ng Poland. Hindi nagtagal ay nagdeklara ng digmaan ang Germany sa France at Great Britain.
Sa pagitan ng 1939 at 1941, nagawa ng Germany sakupin o pasunurin ang malaking bahagi ng Europa dahil sa agresibong pananakop at pagbuo ng mga kasunduan nito, hindi nagtagal ay nagresulta sa pagbuo ng Axis Alliance sa pagitan Germany, Italy at Japan.
Agosto ng 1939, Pinirmahan ng Germany at USSR ang Molotov- Ribbentrop Pact kung saan pinaghatian at pinailalim sa kapangyarihan ng Germany at Russia ang mga bansa sa Baltic, Finland, Poland at Romania.
Noong 1941, nagsimula kumilos ang mga Axis power sa Europa para sakupin ang Soviet Russia. Kung saan naipit ang malakng pwersa ng Germany sa kanlurang entablado ng digmaan sa Europa.
Sa Pasipiko, uminit ang labanan dahil sa supresang pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor sa Hawaii noong Disyembre 7 ng taon 1941. Ito ay agad na sinagot ng Amerka ng deklarasyon ng digmaan. Nagpahiwatig ng suporta ang USA sa Great Britain na nagdulot ng deklarasyon ng digmaan mula sa Germany at Italy, bilang pakikiisa sa kanilang kaalyadong bansa na Japan.
Mabilis na nasakop ng Japan ang silangang Asya at ang timog- silangang Asya sa ilalim ng paniniwalang ito ay akto ng pagpapalaya sa Asya ng mga dayuhang kanluraning mananakop. Pinailalim ng Japan ang mga bansang kanyang nasakop sa loob ng isang “Co-Prosperity Sphere”.
Pagtatapos ng Digmaan
Pagdating ng 1942 at 1943, unti-unti bumagal ang mga tagumpay ng Axis power dahil sa mga malaking pagkatalo nito sa Europa at Pasipiko: Huminto ang pananakop ng Japan sa Pasipiko dahil sa pagkatalo nila sa Battle of Midway, Napaalis naman ang pwersa ng Germany at Italy sa Hilagang Africa, at nagawang gapiin ng Russia ang Germany at nagawa nila paalis ang mga German sa loob ng Stalingrad.
Ika-13 ng Oktubre ng 1943, sumuko ang Italy dahil sa pagsakop sa malaking bahagi ng bansang ito. Makalipas ang isang buwan ang Italy ay nagdeklara ng digmaan laban sa Nazi Germany. Si Benito Mussolini ay nailigtas ng mga sundalo mula sa Germany at ginawang puppet na pinuno sa mga lugar na hindi pa kontrolado ng Allied ngunit agad din siyang nahuli at binitay.
Natapos ang digmaan sa Europa dahil sa pasok ng Allied power sa Germany matapos ang isang madugong labanan na nagsimula sa Normandy Battle o mas kilala bilang D-day, noong ika-6 ng Hunyo, 1944. Nagpakamatay si Adolf Hitler bago pa siya nahuli ng Allied at ang Berlin ay bumagsak sa kamay ng mga Soviet. Ika-8 ng Mayo ng 1945, sumuko ang Germany sa Allied Power.
Ang Japan ang huling Axis na sumuko sa digmaan. Noong ika-6 ng Agosto, 1945, ibinagsak ng USA ang tinatago nilang sandata sa lungsod ng Hiroshima, ito ay ang unang atomic bomb. Nagmatigas ang Japan at nagpakita na hindi susuko, ibinagsak ng USA ang ikalawang atomic bomb sa bayan ng Nagasaki noong Agosto 9, 1945.
Humigit kumulang 150,000 na tao ang nasawi sa Hiroshima at 75,000 naman sa Nagasaki sa loob ng 4 buwan pagkatapos ibagsak ang mga bomba dahil sa matinding radiation poisoning. Kalahati sa bilang na ito ay namatay sa unang araw ng pagsabog ng atomic bomb.
Dahil sa takot ng pangatlong atomic bomb at ang pagdedeklara ng Russia ng digmaan laban sa Japan dahil sa pag-atake nito sa Manchuria, sa Agosto 15, 1945, sumuko ang Japan sa Allied Powers
Sa pagtatapos ng digmaan na ito, nagbago ang mga pananaw ng iba’t ibang bansa kaugnay sa politika, ideolohiya at mga alyansa. Itinatag ang United Nation(UN) upang mataguyod ng kapayapaan at kooperasyon sa pagitan ng mga bansa upang maiwasan maulit ang digmaan tulad ng WW1 at WW2. Ang permanent security council ay binubuo ng mga nagtatag ng UN, ang United States, United Kingdom, France, Soviet Union at China.
Ilan sa mga naging epekto ng pagtatapos ng digmaan na ito ay ang paghina ng kapangyarihan ng Europeyong bansa sa iba’t ibang panig ng daigdig na nabigay daan sa paglaya ng mga kolonya sa Africa at Asia. Karamihan ng mga bansa na nawasak sa digmaan ay nagsimulang magtuon ng pansin sa pagbangon muli ng kanilang ekonomiya. Ang Europa ay ang nagtuon ng pansin sa pagpapatibay ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Europeyong mga bansa upang maiwasan ang isang malaking sigalot na naranasan sa WW2.
Follow, Subscribe, Comment, and Like the Aralipunan YouTube Channel