Ano ang Aristokrasya?
Ano ang kahulugan ng Aristokrasya?
Ang Aristokrasya ay tumutukoy sa anyo ng pamahalaan kung saan ang mga mayayaman na maharlika ang binibigyan ng kapangyarihan namamuno sa lipunan. Ang mga posisyon ng pamahalaan ay nakalaan sa isang maliit na pangkat na kinabibilangan ng mga nakakataas sa sosyo-ekonomikong aspeto ng lipunan at madalas ay ipinapamana ang posisyon na ito sa isang kamag-anak.
Sa sistema na ito, iniuugnay ang yaman at ang lahi o dugo na taglay ng isang tao sa karapatan at abilidad na mamuno.
Halimbawa ng Aristokrasya
Ang mga sinaunang Griyego ang nagbigay sa atin ng salitang aristokrasya, “Aristo” ibigsabihin ay mahusay at “kratos” ibigsabihin ay kapangyarihan. Sa kanila rin nanggaling ang konsepto na ito.
Maraming lungsod-estado ng sinaunang Griyesya ang gumamit ng ganitong sistema ng pamahalaan kung saan isang konseho ng pinakamahuhusay na mga lalaki ang pinili upang mamuno, ito ay upang balansehin ang absolute na kapangyarihan ng isang monarkong hari.
Ang mga Brahman caste ng India, mga Spartan ng Sparta, ang mga Patrician ng Rome at ang mga maharalika noong panahong medieval sa Europa ang ilan sa mga halimbawa ng isang aristokratikong lipunan.
Iba pang Uri ng Pamahalaan
Iba pang Kaugnay na Artikulo
aristocracy | Definition, Examples, & Facts | Britannica