Ano ang Cold War? : Ang Kahulugan at Sanhi nito
Ano ang Ibigsabihin ng Cold War?
Ang Cold War ay ang tawag sa naging tungalian ng United States of America(USA) at nang United Soviet Socialist Republic(USSR o Soviet Union) na tumagal ng ilang dekada dahil sa pagtatalo ng dalawang bansa kaugnay sa kanilang mga ideyolohiya at ang nakaambang panganib ng malawakang digmaang nukleyar.
Mga Salik na Nagdulot ng Cold War
Ang Paglaganap ng Komunismo
Pagkatapos ng pagbagsak ng Nazi Germany noong 1945, nanaig ang kapangyarihan ng Allied power sa Europa ngunit nagsimulang makita ang mga lamat ng alyansa sa Soviet Union ng United States at Great Britain. Nagtatag ng mga makakaliwang pamahalaan ang Soviet Union sa Silangan Europa na ikinabahala ng mga demokratikong bansa.
Noong 1948, naging malinaw ang pagsisimula ng Cold war dahil sa intensyon ng USSR na ipakalat ang komunismo sa daigdig. Nagsimula ang tagisan ng mga bansa sa pagpapakalat ng kanilang ideolohiya, demokrasya laban sa komunismo.
NATO at ang Warsaw Pact
Mula 1948 hanggang 1953, ito ang naging pinakamataas na naabot ng tensyon sa pagitan ng mga bansa dahil sa iba’t ibang hakbang na ginawa ng mga superpower na bansa. Sa panahon na ito sinubukan ng kanluraning bansa na pigilan ang pagkalat ng komunismo sa Europa at iba pang bahagi ng daigdig.
Tinatag ng United States at ng kanyang mga Europeyong kaalyado ang North Atlantic Treaty Organization (NATO), isang militar na kasuduan na naglalayon na pigilan ang pagkalat ng komunismo sa Europa.
Nagawa ng USSR na makalikha ng isang atomic bomb at noong 1949 nagawa nilang magkaroon ng matagumpay na pagpapasabog nito. Dito natapos ang monopolyo ng Amerika sa mga sandatang nukleyar at nagdulot ng lalong paglala ng tensyon ng dalawang malaing bansa.
Kahit na nagawa ng NATO pabagalin ang paglaganap ng komunismo sa Europa, naging matagumpay naman ito sa Tsina. Sumunod din dito ang pagkatatag ng komunistang pamahalaan sa North Korea sa tulong ng Russia at Tsina.
1950, Nagsimula ang Korean War nang sinubukan ng North Korea sakupin ang South Korea, isang bansa na sinusuportahan ng Amerika. Ito ay isang masalimuot na digmaan dahil sa ito ay nagdulot ng malaking bilang ng kamatayan at pagkasira na natapos sa isang table sapagitan ng mga kasangkot na bansa. Ang Korean War ay natapos noong 1953.
Bilang sagot ng USSR sa NATO ng USA at kanlurang Europa, itinatag ang Warsaw Pact noong 1955. Sa tulong ng Warsaw Pact, nagkaisa ang militar na pwersa ng mga Soviet na bansa at iba pang komunistang bayan. Kasabay nito, sumali ang West Germany sa NATO na nagdulot ng lalong pagtaas ng mga tensyon sa pagitan ng mga demokratiko at komunistang mga bansa.
Cuban Missile Crisis
Matapos magawa ng USA at USSR patunyan na kaya nilang lumikha ng mga nuclear bomb, sila ay naman ay lumikha ng mga missile na kayang lumipad mula Asya patungo ng Hilagang Amerika at vice versa. Ang mga bomba na ito ay tinawag nila na Intercontinental Ballistic Missiles (IBM). Ang mga bagong missile na ito ay nilikha upang maging paraan ng paghahatid ng nuclear bomb sa kalabang bansa kahit na isang kontinente pa ang layo nito.
Sa pinagsamang kakayahan ng mga IBM na maglakbay ng malaking distansya at mapangwasak na lakas ng mga nuclear bomb, ito ay nagdulot ng pagkabahala sa mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Proxy War
Sa panahon ng Cold war, iniwasan ng USA at ng USSR ang direktang komprontasyon dahil sa parehong may hawak na atomic ang dalawang bansa. Ang tanging pagkakataon na sila ay sumasali sa isang labanan ay upang mapigilan ang pagbaliktad ng isang kaalyado nila sa patungo sa kabilang ideolohiya.
Ilan sa mga hakbang na kinuha ng Russia ay ang paglalagay ng mga sundalo sa Silangan Germany (1953), Hungary (1956), Czechoslovakia (1968), at Afghanistan (1979) upang tumulong sa pagpapalakas ng komunismo sa mga lugar na ito. Ang USA ay hindi rin naiba dahil sila ay magparte sa pagpapabagsak sa pamahalaan ng Guatemala (1954), pagsakop sa Dominican Republic(1965) at bigong pagsakop sa Cuba(1961).
Ang Korean war ang isa sa unang halimbawa ng proxy war, isang digmaan kung saan ang mga mas malalakas na bansa ay sumasali sa digmaan ng isang maliit na bansa at sinusuportahan ang magkatunggaling partido ng giyera. Ang proxy war ang naging instrumento ng mga superpower na bansa noong cold war na upang maipakalat ang ideolohiya sa mga mas mahihirap na bansa at magkaroon ng entablado ng digmaan na kung saan hindi kailangan na direktang maglalaban ang mga bansa ito. Kailangan lamang nila magpadala ng suporta at sundalo.
Ang Vietnam War (1964 – 1975) ay isa sa mga proxy war na ito. Ang hilaga ay sinusuportahan ng komunistang Tsina at USSR samantalang ang timog ay tinulungan ng USA. Ito nagtapos sa pagkatalo ng Amerika kahit na higit na mas maraming komunistang Vietnamese ang namatay sa digmaan na ito. Ang pagkatalo na ito ay sanhi ng nagbabagong pananaw ng mga Amerikano sa patuloy na pagsali ng USA sa iba’t ibang digmaan. Sa pagkatalo ng USA sa Vietnam war ang naging susi ng paglaganap ng Komunismo sa Timog-Silangang Asya.
Follow, Subscribe, Comment, and Like the Aralipunan YouTube Channel