Ang mga Haligi ng Disenteng at Marangal na Paggawa
Ano ang Disenteng Paggawa?
Ang disenteng paggawa ay tumutukoy sa hanapbuhay na may respeto sa mga karapatan ng isang tao at sa kanyang karapatan bilang isang manggagawa na magkaroon ng ligtas at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho na kung saan hindi naaabuso ang isang manggagawa, pisikal man o mental.
Ayon sa International Labour Organization, ang disenteng paggawa ay natutupad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga opurtunidad na makapagtrabaho na may patas na sweldo, seguridad ng kabuhayan, pagkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng personal at propesyonal nap ag-unlad, Kalayaan na makapagsabi ng hinanaing, bumuo at makisali sa mga desisyon na maaaring makaapekto sa kanilang kabuhayan, at ang patas na pagtrato sa mga babae at lalaki sa lugar ng trabaho.
4 na Haligi ng Disenteng Paggawa
Social Dialogue
Ang mga manggagawa ay dapat may karapatan na maiparating ang kanilang mga hinaing at mga mungkahi sa isang demokratikong paraan sa pamamagitan ng kanilang mga union at mga collective bargaining units. Ito ay nagiging daan sa isang bukas na komunikasyon kaugnay sa mga kondisyon sa lugar ng trabaho at pati na din sa mga pambansa at pang-internasyonal na mga patakaran sa paggawa.
Social Protection
Ang lahat ng mga manggagawa ay dapat na may ligtas at wastong kondisyon sa pagtatrabaho, may sapat na oras ng pahinga, at nakakatanggap ng mga benipisyo tulad ng healthcare, pension, parental leave(maternal at paternal leave) atbp.
Nais ng haligi na ito na hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod, at oportunidad.
Right at work (or Worker’s Right)
Ang ilan lamang sa mga karapatan ng manggagawa ay ang pagkakaroon ng minimum wage, day-offs, walong oras na trabaho kada araw, patas na sahod na tutupad sa pangangailangan ng manggagawa at ng kanyang pamilya
Naglalayon ang haligi na ito na palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
Right to employment (or Employment right)
Nais ng haligi ma ito na tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa.
Wala sinuman na nagnanais na magtrabaho ang dapat na mahadlangan ng dahil lamang sa kakulangan sa opurtunidad maghanapbuhay.
References
Consultation with various sectors takes place as DOLE finalizes labor and employment plan, http://www.ro7.dole.gov.ph/
General Comment 18, 2006 United Nations COMMITTEE ON ECONOMIC, SOCIAL AND CULTURAL RIGHTS – THE RIGHT TO WORK, General comment No. 18, Adopted on 24 November 2005, Article 6 of the International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights” (PDF). Unhchr.ch. Retrieved 2015-09-27.
“Campaign for Decent Work and Living Wage”. Asia Pacific Forum on Women, Law and Development (APWLD). Retrieved 2020-03-10
Iba pang Artikulo
Isyu Pangkapaligiran sa Pilipinas
Ang 4 na Sistemang Pang-ekonomiya
Ano ang Pinagkaiba ng Sex at Gender?
Ano ang Globalisasyon?