Anapora at Katapora
Anapora
Ang “anapora” ay tumutukoy sa panghalip sa ikalawang bahagi ng pahayag o tekto at tumutukoy sa pangngalan sa naunang bahagi nito upang bigyan ng impormasyon ang mambabasa at tagapakinig.
Halimbawa ng anapora:
- “Si Maria ay masipag na nag-aaral. Siya ay laging nasa silid-aklatan tuwing gabi.”
Sa halimbawang ito, ang “Siya” ay isang anapora dahil ito ay nag-uugnay sa naunang bahagi ng teksto, na nagsasaad na si Maria ay masipag na nag-aaral. Ang “Siya” ay isang panghalip na tumutukoy kay Maria at nagbibigay ng dagdag na impormasyon tungkol kay Maria at nagpapatuloy sa ideya na ito sa ikalawang pangungusap.
Katapora
Ang “katapora” ay tumutukoy sa panghalip sa unang bahagi ng teksto at tumutukoy sa pangngalan na babangitin sa gitna o huling bahagi ng tekto.
Halimbawa ng katapora:
- “Siya ay mahilig sa sining ay pagpipinta. Si Juan ay nangangarap maging pintor sa hinaharap.”
Sa halimbawang ito, ang “Siya” ay isang katapora, sapagkat ito ay panghalip na tumutukoy kay Juan.