Ano ang Consanguinity at ang mga Degrees of Consanguinity?
Ang Consanguinity ay tumutukoy sa relasyon ng mga tao na nakabatay sa dugo o lahi. Ito ay katangian na tinataglay ng mga tao na nagmula sa iisang ninuno.
Ang consanguinity ay ginagamit na batayan ng mga maraming bansa sa kanilang pagbuo ng mga batas na may kaugnayan sa pagpapakasal at sa pagmamana ng mga ari-arian. Ilan sa halimbawa nito ay ang pananaw ng iba’t ibang bansa sa pagpapakasal ng mga magpinsan. May mga bansa na tinuturing na ito ay katangap-tangap at may mga lugar naman na ito ay mahigpit na pinagbabawal dahil sa maituturing ito na incest.
Sa Pilipinas, ipinagbabawal ng batas ang pagpapakasal sa pagitan ng mga magkadugo hanggang sa 4th degree ng consanguinity [Family Code of the Philippines, Art. 38(1)]
Degree of Consanguinity
Para madalian unawain ang degrees ng consanguinity tignan ang chart sa ibaba:
Ang First Degree ay binubuo ng iyong mga magulang at ang iyong mga anak.
Ang Secong Degree ay ang iyong mga kapatid at ang iyong mga apo.
Ang Third Degree ay ang iyong lolo at lola, mga pamangkin, tiyo at tiya, at ang iyong mga apo sa tuhod.
Ang Fourth Degree ay ang mga pamangkin sa tuhod, “First Cousin” o pinsan mula sa tiyo at tiya, tiyo at tiya sa tuhod, at ang iyong lolo at lola sa talampakan.
Other Articles:
Ano ang Safe Spaces Act o ang RA 11313?
Ano ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law?