Ano ang Supply at Law of Supply?
Kahulugan ng Supply
Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ibenta ng isang nagbebenta sa isang kaukulang presyo sa loob ng isang takdang panahon, kung ang lahat ng bagay ay mananatiling pareho.
Paraan ng Paglalarawan sa Konspeto ng Supply
Supply Schedule
Ang supply schedule ay isang listahan na nagpapakita sa dami ng produkto na handa at kayang ibenta ng isang nagbebenta sa magkakaibang presyo na katumbas nito sa isang takdang panahon.
Presyo ng Candy | Bilang ng supply bawat araw | |
A | 5 | 50 |
B | 4 | 42 |
C | 3 | 33 |
D | 2 | 21 |
E | 1 | 0 |
Supply Curve
Ang supply curve ay ang grapikal na representasyon ng supply schedule. Ang supply curve ay kumkurba paitaas mula kaliwa patungo ng kanan, ito ay repleksyon na ang bilang ng supply ay directly proportional sa presyo ng produkto. Ito ay ang law of supply.
Ano ang Law of Supply?
Sa law of supply, tataas ang bilang ng produkto handang ibenta ng mga nagtitinda kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng produkto na iyon; bababa ang bilang ng produkto na ibinibenta kung ang presyo ay bababa.
Ngunit dapat alalahanin na kahit na may direktang relasyon ang presyo at supply ng pordukto, may mga pagkakataon na hindi ito totoo. May mga pagkakataon na may mga supply curve na may mataas na bilang ng produkto ngunit walang epekto sa presyo, minsan ay nagdudulot pa ito para bumaba ang presyo.
Bilang halimbawa, sabihin natin na ikaw ay isang magsasaka ng tubo(sugarcane) at mais, bilang producer ang iyong mga aksyon ay naaapektuhan ng law of supply. Kung tumaas ang presyo ng mais sa pamilihan, ikaw ay higit na kikita kung ililipat mo ang natitira mong kapital tulad ng lupa, abono, makinarya at iba pa sa pagtatanim ng mais. Kung tumaas naman ang halaga ng tubo sa pamilihan, mas malaki ang kikitain mo kung ililipat mo ang iyong kapital sa pagtatanim ng tubo.