Ano ang Sosyalismo?
Kahulugan ng Sosyalismo
Ang sosyalismo (socialism) ay isang panlipunan at pang-ekonomiyang doktrina kung saan ang salik ng produksyon ay nasa ilalim ng pangangalaga ng estado o ng pamahalaan. Ang panlipunang output ng ekonomiya ay pinamamahagi batay sa kakayahan ng isang manggagagawa o sa dami ng kanyang kontribusyon sa paggawa. Sa mga teorya ni Karl Marx ang sosyalismo ay isang hakbang sa pagitan ng kapitalismo at komunismo.
Sa modernong anyo ng sosyalismo, ito ay isang kilusan na nagnanais na mas mapahusay ang economic efficiency at equity sa pamamagitan ng sumusunod:
- Pampublikong pag-aari sa mga importanteng bahagi ang produksyon at distribusyon nito. Ilan sa halimbawa ay ang pag-aari ng pamahalaan sa mga public utility tulad ng distribusyon ng tubig, paglikha ng kuryente, transportasyon at telecommunication.
- Isang anyo ng sentralisadong pagpaplano kung ano ang mga produkto na dapat bigyan ng prayoridad sa produksyon, ano ang mga paraan na dapat gawin para sa produksyon, at kanino ito dapat ipamahagi.
Ano ang Pinagkaiba ng Sosyalismo at Kapitalismo?
Ang pagkakaiba ng Sosyalismo at Kapitalismo ay makikita sa kung paano nila ginagamit ang right to property at ang kontrol sa produksyon.
Sa isang kapitalistang ekonomiya, mahalaga ang pribadong pag-aari, ang mga salik ng produksyon at ang Karapatan na kumita mula sa mga ito ay nasa kamay ng mga pribadong indibidwal. Samantala, sa isang sosyalistang ekonomiya ang mga salik ng produksyon ay kontrolado ng pamahalaan, ang mga tao ay pinapayagan na magmay-ari ng mga kasangakapan na matuturing na consumer goods.
Sa sosyalistang ekonomiya, ang mga producers, negosyante, consumers, at mga investors ay sumusunod sa mga regulasyon na nilikha ng pamahalaan, minsan ay maaaring kunin ng pamahalaan ang isang paraan ng produksyon kung nakikita nila ang malaking pangangailangan dito. Dahil sa mga regulasyon na ito nagagawa ng pamahalaan makontrol ang kalakalan sa loob ng isang bansa. Sa isang kapitalistang bansa, ang kalakalan ay malaya, boluntaryo at walang regulasyon.
Sa mga sosyalistang ekonomiya, ang produksyon ay nakasalalay sa pagkilos ng pamahalaan at sa mga manggagawa. Ang pagkonsumo ay maaari rin bigyan ng regulasyon. Ang pamahalaan din ang nagdedesisyon sa paraan kung paano hahatiin ang kaban ng bayan at ibang mga yaman sa mga producer at mga mamamayan.
Book recommendation and Affiliate links:
Kung nahihirapan at nais niyo pa din matuto kaugnay sa economics, maaaring makatulong sa inyo ang mga librong “The Economics Book: Big Ideas Simply Explained” (available in Amazon here and Lazada here)
Ang aklat na ito ay may mga ilustrasyon at mga pinadaling pagpapaliwanag sa mga konsepto ng economics na maaari mong maranasan sa iyong pag-aaral.
Sanggunian
“Contemporary Economics”, Milton H. Spencer, Worth publishing Inc., 3rd Edition, 1977
Socialism, Will Kenton, https://www.investopedia.com/terms/s/socialism.asp
Iba Pang Artikulo
- Ano ang Kapitalismo?
- Ano ang mga Salik ng Produksyon?
- Ano ang Heograpiya?
- Ang 4 na Sistemang Pang-ekonomiya
- Mga Salik ng Cold War
- Ano ang Pinagkaiba ng Sex at Gender?