Sino ang Pambansang Bayani ng Pilipinas?
Walang iisang pambansang bayani sa Pilipinas. Ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Research, Publication and Heraldry Division, walang iisang opisyal na pambansang bayani ang Pilipinas.
Mayroon lamang mga grupo ng tao na tinuturing na “pambansang bayani”
Sa pamamagitan ng Executive Order no. 75 na naipatupad noong ika-28 ng Marso, taong 1993 nang dating pangulong Fidel V. Ramos, nilikha ang National Heroes Commission na binigyan ng responsibilidad na pag-aaralan at luhikha ng isang batayan upang malaman kung ang isang historikal na personalidad ay maaaring ituring na isang pambansang bayani.
Katangian ng Pambansang Bayani
Sila’y dapat magtaglay ng sumusunod na katangian ayon sa Technical Committee of the National Heroes Committee:
- Have a concept of nation and thereafter aspire and struggle for the nation’s freedom
- Define and contribute to a system or life of freedom and order for a nation.
- Contribute to the quality of life and destiny of a nation
- Are part of the people’s expression
- Thinks of the future, especially the future generations
- The choice of a hero involves not only the recounting of an episode or events in history but of the entire process that made this particular person a hero
Ito ang ilan sa mga bayani na napasama sa listahan ng mga pinagpipilian upang maging Pambansang Bayani:
- Jose Rizal
- Andres Bonifacio
- Emilio Aguinaldo
- Apolinario Mabini
- Marcelo H. Del Pilar
- Sulta Dipatuan Kudarat
- Juan Luna
- Melchora Aquino
- Gabriela Silang
Sa ngayon ay wala pa rin aksyon ang NHCP at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa listahan na ito. Kanilang ikababahala ay maaaring magdulot lamang ng pagtatalo sa pagitan ng mga Pilipino at maging maging sentro pa sa usapain sa buhay ng mga bayani ay ang mga kontrobersya na kanilang kinasangkutan kaysa sa mga mabubuting nagawa nila para sa ating bayan.
Ngunit sa mata ng masa, kahit na hindi opisyal ay tinuturing na Pambansang Bayani nila sina Andres Bonifacio at Jose Rizal dahil sila ang mga bayani natin na may mga batas na nilikha para lamang magbigay gunita sa kanilang buhay, gawi at kamatayan, sila rin ang pinakakilalang mga bayani ng ating bansa.
Iba pang Artikulo:
External Links:
https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/selection-and-proclamation-of-national-heroes-and-laws-honoring-filipino-historical-figures/ (Warning: this link is marked unsafe on certain browsers)