Sining sa Panahon ng Renaissance
Ang mga pintor ng panahon ng renaissance ay humiram ng inspirasyon at tema mula sa mga sining ng mga Griyego at mga Romano. Ginamit nila na modelo ang mga kwento at mitolohiya ng mga Griyego at Romano, pati na rin ang mga pangyayari na nasa Bibliya at kasaysayan ng Simbahan.
Ang mga politiko, kanilang mga patron at mga ordinaryong tao ang kadalasang laman ng kanilang mga sining. Sila’y mas intersado sa indibwalidad at pagiging katangi tangi ng bawat tao sa loob ng pamayanan.
Samantalang ang mga pintor ng panahong Medieval ay mas ninanais na magsilbi sa Simbahan para ipakita ang kanilang debosyon sa kanilang relihiyon. Ang kanilang mga pinta ay naglalarawan ng mga tao na halos magkakamukha at walang indibwalidad, kadalasan ay sa nasa isang simpleng tindig.
Perspektibo at Balanse sa Sining noong Renaissance
Ang artisan ng panahon ng Renaissance ay nagnanais na maging malapit sa reyalidad at mapukaw nila ang kagandahan ng kalikasan at tao sa kanilang mga likhang sining.
Madalas na ipinipinta ng mga Medieval na pintor ang mga tao na mas malaki kaysa sa mga gusali, mas malaki din ang mga importanteng tao kaysa sa mga ordinaryong tao para maipakita ang kahalagahan ng kanilang pangunahing modelo. Sa kabilang banda,ang mga pintor ng Renaissance ay mas nais na iguhit ang mga tao, gusali, bundok at kalikasan sa wastong laki nito kung paano ito makikita ng mga tao.
Mga Halimbawa ng larawan na nagpapakita ng depiksyon ng kwentong “Saint George and the Dragon“:
Panahong Medieval
Panahong Renaissance
Para makamit ang realismo na ninanais nng mga pintor na ito, pinag- aralan nila ang wastong paggamit ng perspektibo. Ang perspektibo ay isang element ng pagguhit na nagpapakita sa ilusyon ng distansya at lalim ng mga modelo sa isang larawan. Isang Florentiong pintor na nagngangalang Giotto ang isa sa unang gumamit ng realistikong istilo ng pagpipinta noong 1300 ngunit sumikat lang kanyang istilo nang dumating ang pagsibol ng Renaissance.