Ano ang Sanhi ng Rebolusyong Pranses?
Matapos tumulong ang mga Pranses sa rebulosyon sa Amerika, ninais din ng mga rebolusyonaryo sa Pransya na magkaroon ng pagbabago sa kanilang bansa. Ngunit di tulad sa rebolusyon na naganap sa Amerika, mas agresibo ang pagbabago na nais nila. Ang mga rebulosyonaryo sa Amerika ay nagnanais lamang ng kalayaan mula sa Britanya, samanatala ang mga Pranses ay nagnanais nang pagbaklas sa tradisyonal na sistema na tumagal na ng ilang siglo at palitan ito ng ibang sistema para sa kanilang lipunan.
Ang mga mithiin na ito ay resulta ng mga problema na kinahaharap ng Pransya bago pa naganap ang Rebolusyong Pranses. May malawak na kahirapan sa iba’t ibang bahagdan ng lipunan na di nagtagal ay nagresulta sa marahas na pag- aaklas ng mga tao laban sa kanilang hari.
Ang Pagkakahati sa Taltong Antas ng Lipunan bago ang Rebolusyong Pranses
Ang lipunan sa Pransya noong ika-18 siglo ay makikita pa rin ang mga tradisyon na nakuha pa nila sa Middle Ages. Ang lipunang Pranses ay nahahati sa tatlong antas na tinatawag na estate.
Ang First Estate ay binubuo ng mga pari; ang Second Estate ay mga dugong-bughaw; at ang Third Estate ay lahat ng tao sa lipunan na di bahagi ng unang dalawang estate.
Ang First at Second Estate ay may bilang na kalahating milyon sa isang bansa na may populasyon na 24 na milyon na tao ng panahon na iyon. Kasabay nito ay ang unti-unting paglitaw ng bagong pangkat sa lipunan na hindi matuturing na bahagi ng tatlong Estate, sila ay tinatawag na Bourgeoise.
Ang First Estate
Ang First Estate, ang mga pari ay malaking papel sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan noon. Maliban sa kanilang panrelihiyong tungkulin, ang mga pari na ito ay ang nagpapatakbo sa mga paaralan at ang Simbahan ay nangungulekta din ng mga buwis sa mga mamamayan at mga may-ari ng lupa. Ang Simbahan ay hindi nagbabayad ng buwis sa gobyerno.
Dahil dito namuhay sa karangyaan ang mga pari na nasa mataas na posisyon ng Simbahan. Ang mga pari na ito ay nagmula sa mga pamilya ng dugong –bughaw. Ang mga Obispo at mga Arsobispo ay nagkaroon ng malaking politikal na impluwensya sa pamayaanan.
Samantala ang mga pari na bahagi ng mababang kapulungan na binubuo ng kura paroko ay nagmula sa mahihirap ng pamilya. Ito ay nagdulot para suportahan ng mga kura paroko ang mga hinaing ng mga tao sa loob ng kanilang komunindad.
Ang Second Estate
Ang mga maharlika na bahagi naman ng Second Estate ay nabubuhay sa kaginhawaan at kapangyarihan. Sila ang may hawak sa mga matataas na posisyon ng pamahalaan, Simbahan at sa hukbong sandatahan.
Sila ang nagmamay-ari sa karamihan ng lupa sa Pransya ngunit halos wala silang binabayad na buwis para sa mga lupain na ito. Ngunit hindi lahat ng mga maharlika ay mayayaman, mayroong iilan sa kanila na nabubuhay sa mga malalayo at mahihirap na lupain.
Ilang ulit na sinubukan ng mga maharlika na labanan ang kapangyarihan ng Hari sa Pransya. Ngunit sa kabuuan ng ika-17 na siglo, ang pamumuno ni Louis XIV ay walang kakayahan na makakontra at makakwestyon sa kanyang kapangyarihan bilang hari. Nagbago lang ito nang namana ng ni Louis XV at Louis XVI ang korona ng Pransya. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga maharlika na humingi ng dagdag na pribelehiyo at karapatan. Naiwan na naghihirap ang mga mamamayan.
Ang Third Estate
Ang ikatlong lupon ay ang Third Estate na binubuo ng mga tao na di kabilang ng unang dlawang estate. Mayaman man o mahirap, manggagawa man o negosyante, sila ay bahagi ng estate na ito. Sila ang bumubuo sa pinakamalaking estate sa lipunan ng Pransya.
Dahil sa makalumang paraan ng pagsasaka na halos walang pinagkaiba sa paraan ng pagsasaka noong Middle Ages, mababa ang ani ng mga magsasaka kahit na malalaki ang lupang sakahan. Ito ay nagresulta sa mas paghirap ng pamumuhay ng mga ordinaryong magsasaka.
Isa pa sa naging problema ay ang mataas na mga buwis. Dahil hindi nagbabayad ng buwis ang Simbahan at mga maharlika, ipinapataw ng korana ang karamihan ng buwis sa mga mamamayan. May mga rehiyon sa Pransya na 60% ng kabuaang kita ng isang pamilya ay napupunta lamang sa pagbabayad ng buwis.
Ito ang pagsisimula ng pagtatanim ng galit ng mga magsasaka laban sa mga maharlika at sa hari. Nagnanais sila ng mas patas na sisitema ng pagbubuwis. Mas lalo lang lumala ang poot na ito matapos tamaan ang Pransya ng malalang taglamig at hindi magandang ani noong 1788.
Dahil sa hindi magandang ani noong 1788, ang kakulangan ng butil ay mabilis na nagpataas ng mga bilihin sa loob ng mga siyudad. Ang mga mahihirap na mangagawa sa siyudad ay nangangailangan na gastusin ang kalahati ng kanilang kabuuang kita ng buong pamilya para lamang makabili ng isang malaking tinapay.
Ang mga Bourgeoise
Ang mga Middle class o mga Bourgeoisie, ay binubuo ng mga mangangalakal, may-ari ng banko, abogado, mga pilosopo at mga mababang opsiyal ng pamahalaan. Hindi tulad ng ibang bahagi ng Third Estate, ang mga Bourgeoisie ay may pera, impluwensya at edukasyon. Ngunit dahil hindi sila pinanganak sa pamilyang mahralika, hindi sila maaaring humawak o makaakyat sa matataas na posisyon ng gobyerno, Simbahan at military.
Sa ika-18 na siglo, karamihan ng mga bourgeoisie ay naenganyo sa mga ideya na dala ng Enlightenment at ito ay nag resulta paa pagdudahan nila ang sistema ng pamahalaan nang panahon na iyon – na ang mga pari, maharlika at ang monarkiya ang natural na pinuno ng isang lipunan. Mula sa enlightenment, nakuha nila ang idea ng “Equality and Liberty”(pagkakapantay-pantay at kalayaan) at ito ang naging idea na nagtulak ng pagbabago sa Pransya.
Pagkaubos ng Kayamanan ng Pransya Dahil sa Rebolusyong Amerikano
Sa kalagitnaan ng ika-18 na silglo, ang Pransya ay halos bangkarute na dahil sa malaking utang na naipon nito sa ilalim palang ng pamumuno ni Louis XIV. Ang pera na ito ay ginamit nila para sa mga digmaan na sinalihan ng Pransya at sa magarbong pamumuhay ng hari. Mas lalo lang lumala ang utang na ito nang mamamatay si Louis XIV noong 1715 at nang tumulong ang Pransya sa Rebolusyong Amerikano, halos maubos ang laman ng kaban ng bayan.
Ang mga tagapagmana, si Louis XV at Louis XVI ay parehong umutang ng malalaking halaga sa mga bangko. Kahit na di alintana sa kanila ang pinansyal na problema ng kanilang bansa, sila ay nagpatuloy sa pamumuhay nang marangya sa loob ng kanilang palasyo.
Kahirapan at Hindi Makatarungan Pagbubuwis
Ang hindi maganda at hindi patas na pagbubuwis sa Pransya nagdulot ng karadagang problem sa utang dahil sa naging imposible sa pamahalaan na mapunan ang halagang kinakailang para bayaran ang mga utang na naipon. Dahil konti lamang sa mga maharlika at mayayaman ang nagbabayad ng buwis, ang mga mahihirap ang sumalo sa responsibilidad na ito, ang tao na walang kakayahan na magbayad nito.
Ito ay nagtulak para sa hari ng panahon na iyon na si Louis XVI na manawagan sa First at Second Estate na sumang-ayon na magbayad ng buwis para sa mga lupang pag-aari nila, parehong tumanggi.
Ang laganap na kahirpan at ang pinansyal na problema ng Pransya ang naging mga binhi ng rebolusyon.
Iba pang Artikulo:
Book Recommendation
Ito ang ilang mga aklat aming nirerekomenda na basahin niyo upang higit na mapalawak ang inyong interes at magkaroon pa ng mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng mundo.