Ano ang Panahong Prehistoriko: Pagtalakay sa Panahong Bato at Metal
Ang panahong prehistoriko ay tumutukoy sa yugto ng kasaysayan ng tao bago pa man naimbento ng mga tao ang sistema ng pagsusulat. Dahil sa kawalan ng kakayahan na itala ng mga sinaunang tao ang kanilang mga karanasan at kaganapan sa pamamagitan ng pagsusulat ang kaalaman natin sa panahon na ito ay limitado lamang sa mga fossil at artifact.
Ang panahong prehistoriko ay nagsimula sa panahong bato na nahahati sa tatlong bahagi na nakabase sa teknolohiya at kagamitan na kadalasang ginagamit sa bawat panahong prehistoriko.
Ano ang Panahong Prehistoriko
Ito ang yugto bago ang unang kasaysayan at dokumentasyon ng tao. Binubuo ito ng tatlong bahagi:
Paleolitiko: Ang Simula ng Lahat
Ang unang bahagi ng panahong prehistoriko ay tinatawag na Paleolitiko, o Old Stone Age. Ito ay nagtagal mula mga 2.5 milyong taon ang nakakaraan hanggang 10,000 BCE. Ang mga sinaunang tao sa panahong ito ay nakatutok sa pangangaso at pangangalakal, naninirahan sa mga yungib, at gumagamit ng bato, at kahoy bilang kanilang mga kagamitan.
Sa paglipas ng panahon, isang mahalagang hakbang sa pag-unlad ang natuklasan ng mga tao, ito ay ang paglikha ng apoy. Ang paggamit ng apoy ay nagbigay daan hindi lamang sa mas epektibong pagluluto ng pagkain kundi pati na rin sa proteksyon laban sa malamig na klima at panganib mula sa mga hayop. Sa tulong ng apoy, naging mas ligtas ang mga sinaunang tao.
Ang mga tao sa panahon na ito ay mga nomadiko. Ibigsabihin, sila ay walang permanenteng tinitirahan.
Mesolitiko: Ang Pagbabago ng Klima at Pamumuhay
Sumunod dito ang Mesolitiko o Middle Stone Age, nagtagal mula 10,000 BCE hanggang 8,000 BCE. Dito nag-umpisa ang mga pagbabagong klima, unti unti na uminit ang temperatura ng mundo. Natunaw ang mga glacier na nagbigay daan sa pag dami ng mga grasslands at kagubatan.
Sa panahon na ito natuto ang mga sinaunang tao na lumikha ng mga simpleng kasangkapan na yari sa mga makikinis na bato. Nagsimula na din ang mga tao sa panahon na ito tumira sa tabi ng mga ilog at lambak kung saan sila ay nagsimulo bumuo ng mga maliliit na komunidad.
Natuto na din sila mag-amo at mag-alaga ng mga hayop. Kasabay nito natuto din silang gumawa ng mga kasangkapan mula sa luwad o putik.
Neolitiko: Ang Simula ng Kabihasnan
Ang huling bahagi ng panahong prehistoriko ay ang Neolitiko o New Stone Age, nagsimula mula 8,000 BCE hanggang 2,000 BCE. Dito unti-unti nang nagkaruon ng kabihasnan ang mga tao. Itinatag na ang mga permanenteng pamayanan, nag-usbong ang agrikultura at pastoralismo, at nagkaruon ng mga kasangkapan tulad ng palayok at kagamitan sa agrikultura.
Ang pag-aalaga ng mga halaman at hayop ay naging malaking motibasyon sa mga sinaunang tao na di na magpalipat-lapiat ng tirahan at manatili na lamang sa iisang lugar.
Nagsustenable na ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga sinaunang tao sa panahon na ito. Dahil sa agrikultura at pag-iimbak, nagsimula ang isang kalakalan sa pagitan ng mga komuinidad, ang isang sistema na higit na ginamit sa panahon na ito ay ang barter.
BASAHIN: Bakit sa Tabi ng mga Ilog Nagsimula ang mga Sinaunang Kabihasnan?
Ano ang Pahanong Metal
Ang “Panahong Metal” ay isang yugto sa kasaysayan ng tao kung saan nagsimula ang paggamit ng mga metal na materyales, partikular na bakal, tanso, at iba pang metal. Binubuo ito ng dalawang pangunahing bahagi: Ang Bronse Age at Iron Age.
Copper Age: Ang Simula ng Paggamit ng Tanso
Ang Copper Age, kilala rin bilang Chalcolithic Period, ay naganap mula 4500 BCE hanggang 3300 BCE. Dito nagsimula ang paggamit ng tanso bilang pangunahing materyal sa paggawa ng mga kasangkapan. Ito ay isang mahalagang hakbang sa teknolohiya, nagdulot ng pag-usbong ng mas malalaking komunidad, at nagpapakita ng masusing pag-unlad sa agrikultura.
BASAHIN: Ano ang kahulugan ng kabihasnan?
Bronse Age: Ang Yugto ng Bronse
Isinunod naman ang Bronse Age mula 3300 BCE hanggang 1200 BCE. Sa yugtong ito, nagsimula ang paggamit ng bronse, isang alloy ng tanso at kalay, para sa paggawa ng mas matibay at epektibong kasangkapan at armas. Ito ang nagtulak sa mas mataas na antas ng teknolohiya at nagbigay-daan sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia, Ehipto, Indus Valley, at Tsina.
Iron Age: Ang Yugto ng Bakal
Ang Iron Age, na naganap mula 1200 BCE hanggang 600 CE, ay ang huling bahagi ng Panahong Metal. Dito nagsimula ang mas malawakang paggamit ng bakal, isang metal na mas matibay at mas madaling makuha kaysa sa tanso. Ang paggamit ng bakal ay nagdulot ng mas mabilis na produksyon ng kagamitan at nagtulak sa mas malaking populasyon at mas malakas na ekonomiya.
Sa buong panahong prehistoriko, ang tao ay umaasa sa likas na yaman para sa kanyang pangangailangan sa pagkain, tirahan, at iba pa. Hindi pa sapat ang kanyang kaalaman para sa pagsulat o pagsusulat ng kasaysayan, kaya’t maraming aspeto ng buhay ng tao sa panahong ito ay hindi naaalam o natatabunan ng kaharian ng kaharian ng panahon. Ang kaalaman tungkol dito ay higit na nagmumula sa arkeolohiya, na nag-aaral ng mga nalalabing artipakto at palatandaan ng sinaunang kultura.