Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon
Kahit na maraming mga magandang epekto ang globalisasyon sa polika at ekonomiya, ang mga negatibong epekto ng globalisasyon ay higit na nararamdaman ng mga minoridad ng lipunan. Ang mga taong nasa laylayan ng lipunan ay mas vulnerable sa mga epekto ng globalisasyon at ang mas masama nito ay kakaunti ang kanilang kakayahan para protektahan ang kanilang sarili mula dito. Ang ilang mga pangkat na ito ay ang mga mahihirap at ang mga katutubo. Mayroon tayong tatlong paraan upang tugunan ang mga epekto ng globalisasyon:
Guarded Globalization (Pagbabantay sa Globalisasyon)
Ito ay ang pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at pangalagaan ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang mamumuhunan.
Halimbawa ng Guarded Globalization
Pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa. Ito ay para tumaas ang presyo ng mga hindi essensyal na mga produkto at protekstahan ang mga lokal na producer na maaaring maging kakompitensya ng dayuhang produkto. Ito rin ay nagsisilbing deterrent sa mga konsumer na bumili ng mahal na dayuhang produkto.
Pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ito ay isang anyo ng suporta o tulong pinansiyal mula sa pamahalaan o iba pang institusyon na ibinibigay sa isang partikular na sektor, industriya, o grupo ng tao upang mapabuti ang kanilang kalagayan o pagganap.
Ang layunin ng subsidy ay maaaring mag-ambag sa pagpapalakas o pag-unlad ng isang sektor, pagpapababa ng presyo ng isang produkto o serbisyong mahalaga sa publiko, o pagtulong sa mga sektor na may mahina o hindi sapat na kita. Ito ay nakakatulong para mapababa ang mga presyo ng mga lokal na produkto at mabawasan ang bigat ng halaga ng produksyon ng mga lokal na producers.
Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)
Ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Layunin nito namapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi patinarin ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan.
Bahagi ng Fair Trade ay ang pagnanais ng mga korporasyon na pataasin ang kondisyon ng pamumuhay ng mga magagawa nila upang mpanatili ang produksyon sa isang ethical na paraan. Sa pamamagitan nito mababawasan ang worker exploitation at ang mala-pang-aalipin na kondisyon ng paggawa sa ilang mga 3rd world countries.
Pagtulong sa ‘Bottom Billion’
Sa pananaw na ito, tinutulak nito ang pagbibigay diin sa pagtulong sa ilang bilyong mahihirap sa daigdig, lalo na sa mga mahihirap na mga tao sa Asya at Africa. Maliban sa pagbibigay ng mga tulong pinansyal inaasahan na ang mga First World Countries ay tumulong sa mga mas mahihirap na bansa upang magkaroon sila ng mas sustenableng pag-unlad sa mga susunod na mga taon.