Mga Uri ng Estruktura ng Pamilihan
Ano ang Estruktura ng Pamilihan?
Ang mga estruktura ng pamilihan(market structure) ay tumutukoy sa mga katangian ng pamilihan na kaugnay sa interaksyon ng mga nagtitinda sa bawat isa, o ang interaksyon ng mga mamimili at nagtitinda atbp.
Ang ilan sa mga dapat bigyan pansin kung nais mong tukuyin ang uri estruktura ng pamilihan ay ang sumusunod:
- Ang uri kalakal o produkto at kung paano ito naiiba mula sa ibang produkto
- Ang dali ng pagpasok at paglabas sa pamilihan
- Dami ng mga nagkokompitensyang mga negosyo at nagtitinda
- Dami ng mga mamimili
- Relasyon sa pagitan ng mga nagtitinda
Iba’t ibang Uri ng Estruktura ng Pamilihan
Pamilihan na May Ganap na Kompetisyon (Perfect Competition)
Ito ay isang teoretikal na estruktura ng pamilihan kung saan may malaking bilang ng mga mamimili at malaking bilang din ng mga nagtitinda. Mahigpit ang kompetisyon sa pagitan ng mga nagtitinda na wala sinoman sa kanila ang mga kakayahang magbago ng presyo ng produkto sa pamilihan na iyon.
Ang ilang rason kung bakit ito teoretikal, madalas na makikita sa mga tradisyonal at maliliit na pamilihan, at mahirap mangyari sa isang malaking pamilihan ay dahil sa sumusunod:
- Ang lahat ng produkto sa ganitong uri ng pamilihan ay dapat magkakatulad
- Madali para sa kahit sino ang pumasok at lumabas sa ganitong pamilihan
- Inaasahan ng ideya ito na walang katapusan ang bilang ng mga nagnanais magbenta at mamili ng isang produkto
- Ito ay may perpektong elastikong demand curve
Pamilihan na May Di-Ganap na Kompetisyon
Ito ay isang pamilihan na kung saan iisa o iilang nagbebenta lamang ang may kontrol sa presyo ng isang produkto.
Monopolistikong Kompetisyon
Ito ay uri ng di-ganap na kompetisyon kung saan maraming bahay kalakal o producers ang nagbebenta ng magkakatulad na produkto o serbisyo na may iilang pagkakaiba(branding o kalidad) at hindi maaaring ituring na perpektong substitute mula sa bawat isa.
Sa isang monopolistikong kompetisyon, hindi binibigyan ng atensyon ng isang producer ang presyo ng kanyang kakompetisya at hindi rin nila binibigyang diin ang epekto ng kanilang presyo sa presyo ng kalabang produkto.
Ang estruktura ng pamilihan na ito ay lumilitaw kung maraming mga producer ang nagnanais magbenta ng magkakatulad na produkto at sinusubukan nilang maging iba sa kanilang kakompetisya.
Ilang halimbawa nito ay mga damit, sapatos, alahas, toothpaste at iba pa.
Oligopolyo
Ito ay uri ng pamilihan na may maliit na bilang lamang ng mga bahay-kalakal na nagbebenta ng magkakatulad na produkto at serbisyo. Sila ay madalas may malaking kontrol sa presyo ng produkto na iyon at may malaking impluwensya sa merkado. Hindi madali makapasok sa ganitong uri ng estruktura ng pamilihan. Ilang halimbawa nito ay ang industriya ng langis, broadcasting, telecommunication at cellphone companies.
Ilang anyo ng Oligopolyo
Duopoly
Isang anyo ng oligopolyo, kung saan ay may dalawang bahay-kalakal o producer ay may magkatulad na produkto at ang may kontrol sa pamilihan. Isang halimbawa nito ay ang PLDT at ang Globe Telecom.
Monopsony
Isang pamilihan na may maraming nais magbenta ngunit mayroon lamang itong isang mamimili.
Isang halimbawa nito ay ang pamahalaan na nagbabayad ng mga pribadong kompanya para sa kanilang serbisyo at produkto na gagamitin para sa isa sa mga proyekto ng gobyerno. Maraming pribadong kompanya ang nais magbigay ng kanilang serbisyo sa pamahalaan at dahil sa mahigpit na kompetisyon ibinababa nila ang kanilang presyo dahil sa iisa lamang ang kliyente na nais bumili ng kanilang produkto o serbisyo.
Oligopsony
Isang pamilihan na may maraming prodyuser at maliit na bilang lamang ng mamimili ngunit sila’y handang bumili ng malaking bilang ng produkto. Dahil sa naiipon lamang ang demand sa iilang mamimili, ito ay nagbibigay ng sapat na kontrol sa nagbebenta sa kanilang presyo at ito ay nakakatulong sa pagpapababa ng presyo sa pamilihan.
Ang ilang halimbawa nito ay mga fastfood chains tulad ng Mcdonald’s, Jolibee at atbp na bumibili ng malaking bilang ng karne at bigas mula sa iba’t ibang prodyuser.
Monopolyo
Isang estruktura ng pamilihan kung saan iisa lamang ang prodyuser ng isang produkto o serbisyo. Ang mga ganitong uri ng pamilihan ay may malaking kontrol sa presyo ng kanyang produkto. Limitado lamang ang kanyang magiging kita sa kagustuhan at kakayahan ng mga mamimili na bayaran ang hinihingi niyang presyo ng produkto.
Pure monopoly, ito ay monopoly na kung saan isa lamang ang prodyuser at walang maaaring substitute sa kanilang produkto o serbisyo at walang kompetensyon na magaganap. Bihira lamang ito mangyari.
Ang isang malapit na halimbawa nito ay ang De Beers Group at ang kanilang monopolyo sa diyamante na tanging mamimina lamang sa South Africa noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Natapos ang kanilang monopoly nang makatuklas ang mga kalaban nilang kompanya ng mina ng diyamante sa Canada at Australia.
Natural monopoly, ito ay nangyayari kung ang isang bahay-kalakal sa loob ng matagal na panahon ay nagagawang lumikha ng malaking bilang ng output o produkto sa mababang halaga ng produksyon kung saan kaya na nilang maghatid ng supply sa kabuuan ng pamilihan na may maliit gastos at ito hindi kakayanin tapatan ng mas maliliit ng kakompetensya nila sa industriya. Ito ay madalas na binubuo ng mga utility companies, pharmaceutical companies at mga software companies
Ang halimbawa nito ay ang Microsoft at ang kanilang Windows OS, sa matagal na panahon naging monopoly ang Microsoft ng operating system para sa computer.Masyadong mataas ang kinakailangan kapital ng mga mga kakompetinsya upang makapasok sa ganitong industriya.
Follow, Subscribe, Comment, and Like the Aralipunan YouTube Channel
Sanggunian
- “Contemporary Economics”, Milton H. Spencer, Worth publishing Inc., 3rd Edition, 1977
- Oligopoly, https://www.investopedia.com/terms/o/oligopoly.asp
- Types of market structure, https://www.economicshelp.org/microessays/markets/
- Iba’t Ibang Estruktura ng Pamilihan, https://billyjawboiles.wordpress.com/2014/10/27/ibat-ibang-estruktura-ng-pamilihan/
- 5 Different Types of Market Systems, https://smallbusiness.chron.com/5-different-types-market-systems-25818.html
- Monopsony, https://www.economicshelp.org/labour-markets/monopsony/
- Monopoly, https://www.asc.ohio-state.edu/peck.33/H200/EconH200L12.pdf
- Monopolies & Oligopolies
Iba pang Artikulo
- Ang 4 na Sistemang Pang-ekonomiya
- Perspektibo sa Kontemporaryong Isyu: Conflict Theory
- Ano ang Kapitalismo?