Ano ang Kontemporaryong Isyu?
Ang kontemporaryong isyu ay mga isyu ng kasalukuyang panahon. Karamihan sa mga ito ay mga isyu na hindi naranasan ng mga ninuno natin sa mga nakaraang panahon at sa kasalukuyan lamang naging malaking usapin ang mga ito. Ilan sa halimbawa nito ay ang climate change, globalisasyon at mabilis na pag- usad ng teknolohiya.
Kahulugan ng Kontemporaryong Isyu
Ang anumang pangyayari, ideya, opinyon at paksa kaugnay ng isang pangkasalukuyang usapin o suliranin na nakakaapekto sa mga tao ngayon ay maaaring ituring na kontemporaryong isyu. Mula sa mga isyu pangkapaligiran, edukasyon at kalusugan, ang kontemporaryong isyu ay makikita sa iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay
Kasama rin sa kontemporaryong isyu ang mga perenyal na problema sa lipunan. Ito ay mga isyu na mula noon at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nabibigyan ng karampatang solusyon at nanatiling bahagi ng mga usapin ng modernong lipunan. Ang ilan sa mga halimbawa naman nito ay ang kahirapan, kurapsyon ng pamahalaan, diskrmisnasyon, at paglabag sa karapatan pantao.
Ilan Pangunahing Kontemporaryong Isyu sa Daigdig Ngayon
Climate Change
Ang mabilis na pagkasira ng kapaligiran, mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig, global warming, at patuloy na paglakas ng mga bagyo ay ang ilan lamang usapin na kaugnay ng climate change.
Ito ay may malaking epekto pamumuhay ng mga tao kaya ninanais ng United Nation na mapabagal ang mga epekto nito sa tulong ng mga miyembrong bansa sa pamamagitan ng pagbabawas ng carbon emissions.
Ang Pilipinas, bilang isang archipelago na bansa, ay higit na naaapektuhan nito. Bawat taon ay mas lumalakas ang mga bagyo tumatama sa atin at mas humahaba ang tag-init na ating nararanasan. Hindi rin nakakatulong na malaking bahagdan pa din ng produksyon ng kuryente ay nanggagaling pa din sa pagsunog ng uling at langis. Ang kakulangan sa disiplina sa pagtatapon ng basura ay isang malaking usapin pa din sa maraming bayan.
Pagbabago sa Teknolohiya
Sa nakalipas na mga dekada, hindi ipagkakaila ang mabilis na paghusay ng ating teknolohiya. Ito ay nagdulot ng maraming pagbabago sa paraan kung paano nakikipag-ugnay ang bawat tao sa isa’t isa at ito rin ay nagkaroon ng mga epekto sa mga tradisyon, pagpapahalaga, at pananaw ng mga tao sa kasalukuyan. Ang mga tao ay nakadepende sa internet para sa pang-araw-araw na pagkonsumo ng impormasyon at pakikisalamuha sa mga mahal sa buhay.
Sa susunod na mga taon, magiging mas mabilis, mas maliit ang mga teknolohiya na ito at kasabay nito ang mga malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao. Isa lamang sa mga kontemporaryong isyu na dulot ng teknolohiya ay naging mas madali ang pagkamit ng impormasyon ngunit ang mga bata at ilang nakakatanda ay hindi natutong salain ang katotohanan at mga kasinungalingan sa internet.
Diskriminasyon at Pagbabago sa Lipunan
Ang hindi patas na pagtrato dahil sa lahi, kulay ng balat, edad at kasarian ay patuloy pa din na nagkinakaharap ng daigdig. Kahit natapos na ang panahon ng kolonyalismo at segregasyon sa maraming bansa sa daigdig, may mga bakas pa rin ang naiwan sa mga bansang nakaranas nito.
Sa Pilipinas, malaking usapin pa din ang karapatan pantao, pagbibigay ng patas na karapatan para sa iba’t ibang kasarian, at wastong distribusyon ng lupa sa magsasaka at yaman sa higit na nangangailanag.
Kalusugan
Malaking usapin pa din ang kalusugan sa iba’t ibang bansa(lalo sa pagkalat ng NCOV-19 global pandemic). Naging paksa ang kahandaan ng mga bansa na ito sa pagharap sa mga sakit at pagtuklas ng paraan para sugpuin ito. Kasabay nito ang mga debate sa pagpapatupad ng universal healthcare.
Sa atin bansa, ang malaking kinakaharap na isyu ng kalusugan ay ang budget na nakalaan sa kalusagan ng mga tao. Kasama na din dito ang antas ng sweldo ng mga pampubliko health workers. May mga sakit na isang dekada na nasugpo ng Pilipinas tulad ng polio ay bumabalik dahil sa takot at mga misimpormasyon na nakakarating sa mga magulang na kung saan pinipinta na masama ang bakuna. Ito ay ilan lamang sa kontemporaryong isyu kaugnay sa kalusugan.
Kahalagahan ng Kontemporaryong Isyu
Ang pag-aaral kontemporaryong isyu ay nakakatulong at nagbubuklod ng mga tao upang pag-usapan at unawain ang mga suliranin na kinahaharap ng lipunan at bigyan ng solusyon ang mga problema na ito na nakakaapekto sa lahat ng miyembro ng pamayanan.
Follow, Subscribe, Comment, and Like the Aralipunan YouTube Channel
Iba pang Artikulo:
Ano ang Kahulugan ng Hazard, Risk at Vulnerability?
Perspektibo sa Kontemporaryong Isyu: Sociological Imagination
Ano ang Pagkakaiba ng Climate Change at Global Warming?
Sangginuan:
“What Are Contemporary Issues?”, reference.com, https://www.reference.com/world-view/contemporary-issues-b4aa8e48930f1bcf
“Sustainable Goal 13”, un.org, https://www.un.org/sustainabledevelopment/climate-change/