Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba’t Ibang Sektor
Sitwasyon ng Employment sa Iba’t ibang sektor sa Pilipinas
Noong September 2021, mahigit 4.25 million ang Pilipinong unemployed at nagresulta sa 8.9 unemployment rate Ang Labor Force Participation rate noong Sept. 2021, bumaba ng bahagya na nagdulot ng 63.6 LFPR.
Bumaba din ang Employment rate mula 91.9 noong August 2021 patungong 91.1 noong Sept. 2021. Ito ay katumbas ng 44.23 milyon noong Aug. 2021 pababa ng 43.59 milyon noong Sept. 2021
Mula sa 43.59 milyon na employed na Pilipino noong Sept. 2021, 6.18 Milyong Pilipino ang underemployed (14.2% Underemployment Rate). Ang pandemiya at ang mga quarantine protocol noong 2021 ay higit na nakaapekto sa paggawa sa Pilipinas.
57.2 % ng mga Pilipino na manggagawa ay bahagi ng sektor ng serbisyo. 24.5% ang bahagi ng sektor ng agrikultura. Ang sektor na ito ay binubuo ng sumusunod: pagsasaka, pangingisda at forestry Ang pinakamaliit na sektor ng paggawa ay ang sektor ng industriya na binubuo lamang ng 18.3%.
Isyu sa Sektor ng Agrikultura
Ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pag-angkat ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Lubos na naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa.
Mas maraming insentibo ang naibibigay sa mga dayuhang kompanya na nagpapasok ng parehong produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal pero de-kalidad na saging, mangga at iba pang produkto sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa.
Ang ilan pang suliranin na kinahaharap ng mga magsasaka
- ang kakulangan para sa mga patubig,
- Kakulangan ng suporta ng pamahalaan tuwing nananalasa ang mga kalamidad sa bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot, at iba pa.
- Ginagawang subdibisyon, mall, at iba pang gusaling pangkomersiyo ang dating lupang pansakahan
- pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan
Isyu sa Sektor ng Industriya
Dahil kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong pinansiyal lubos ding naapektuhan ng pagpasok ng mga Transnational Corporations (TNCs) at iba pang dayuhang kompanya sa sektor ng industriya. Ang imposisyon ng International Monetary Fund – World Bank (IMF-WB) sa kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa ay ang pagbubukas ng pamilihan ng bansa, import liberalizations, deregularisasyon sa mga polisiya ng estado, at pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo ay nag dulot ng paghigpit ng kompetisyon sa mga industriya sa loob ng bansa.
Ang mga pagbabago na ito ay nakaapekto rin sa pamumuhay ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga industriya tulad ng konstruksyon at mga pabrika.
Epekto ng mga globalisasyon sa paggawa sa Pilipinas
- mahabang oras ng pagpasok sa trabaho,
- mababang pasahod,
- hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleado,
- kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa.
Isyu sa Sektor ng Serbisyo
Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na makararating sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa. Kasabay nito ang iba’t ibang suliranin dulot ng globalisasyon. Dahil sa patakarang liberalisasyon o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhang kasunduan ay humihina ang kalakal at serbisyong gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigang kalakalan
Ang mabagal na pagtataas ng sweldo ay higit na nakakaapekto sa kondisyon at kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga sahod ay hindi nakakasabay sa bilis ng implasyon at pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa merkado. Ito ay nagdudulot ng pagnanais ng mga tao na nasa sektor ng serbisyo na maghanap ng pangalawang pagkukunan ng kita.
Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small-Medium Enterprises (SMEs) sa bansa dahil pinasok na rin ng mga malalaking kompanya ang maliliit o mikro-kompanyang ito sa kompetisyon kung saan sila mas lamang sa lohistika, puhunan, at pinagkukunang-yaman (NEDA report, 2016). Ilang halimbawa nito ay ang pagsikat ng mga online shopping platforms at pagdami ng mga medium size franchise based businesses tulad ng convenient store at fast food na nagdudulot ng pagkalugi ng mga family owned businesses sa paligid nito.