Kahulugan ng Mitolohiya
Ang mitolohiya ay isang salita na nagmula sa Griyego na “mythos” (mito) at “logos” (salita o kuwento). Ang mitolohiya ay tumutukoy sa koleksyon ng mga sinaunang kwento, alamat, at paniniwala ng isang kultura o lipunan. Ito ay naglalarawan ng mga diyos, diyosa, bayani, at iba’t ibang nilalang na may mga kapangyarihan at naglalarawan ng pinagmulan ng mundo, ng tao, at iba’t ibang aspeto ng karanasan.
Ang mitolohiya ay may mahalagang bahagi sa kasaysayan ng tao bilang isang paraan ng pagsusuri at pag-unawa ng mga pangunahing katanungan tungkol sa buhay, kamatayan, kahulugan, at pagkakaroon. Ito ay nagiging bahagi ng kultura at tradisyon ng isang lipunan, at may malalim na koneksyon sa kanilang mga ritwal, sining, at asal.
Ginagamit ng mga sinaunang mga tao ang mitolohiya upang maipaliwanag ang mga misteryo ng mundo ng nakaraan na bunsod ng kakulangan ng kaalaman sa penomina at mga pangyayari na kanyang maipaliwanag ng agham sa modernong panahon. Ito rin ay mga kwento na nagdadala ng mga mahahalagang mga aral para sa mga miyembro ng lipunan upang malamang nila ang katanggaptangap na kilos at magkaroon ng mga idolo na maaaring maging modelo sa kanilang mamumuhay.
Sa iba’t ibang kultura, may kanya-kanyang mitolohiya, tulad ng Griyego, Romano, Hindu, Norse, Mesopotamian, at marami pang iba. Ang mitolohiya ay nagbibigay ng konteksto at paliwanag sa kanilang mga paniniwala at pag-uugali, at naglalarawan ng kanilang sining at pamana.
Sa Pilipinas, kadalasan ang mga mitolohiya ay mula sa mga kwentong bayan na naglalahad sa mga ninuno, anito at mga diyos ng nakaraang panahon. Ito ay makikita pa din sa mga paniniwala ng mga Pilipino sa mga espiritu at mga di makamundong pangyayari. Kahit na naging pangunahing pananampalataya ng mga Pilipino ang mga Abrahimikong relihiyon, hindi nawala sa bokabolaryo ng mga tao ang sinauang tawag sa diyos na si Bathala sa mga ekspresyon tulad ng bahala na (diyos na ang tutupad). Ang paniniwala sa mga halimaw ng mitolohiya ay di pa din naglalaho sa isip ng mga Pilipino, karamihan pa din ay natatakot sa mga aswang at maligno.