Iba’t ibang Sexual Orientation at Gender Identity
Ano ang Iba’t ibang Sex?
Ang sex ay isang biyolohikal at pisikal na katangian na taglay ng isang tao at maraming lipunan sa mundo ay sumusunod sa binary na konsepto ng kasarian. Sa ngayon, karaniwan na nakakategorya lamang sa dalawang uri ng kasarian: babae at lalaki.
Sa ilang mga pagkakataon mayroon din mga tao na tinuturing na intersex. Ito ay mga tao na mahirap ikategorya o hindi maikategorya ang kanilang kasarian sa kapanganakan dahil sa ilang pisikal na depekto sa kanilang ari, isang halimbawa nito ay ang pagiging hermaphrodite o pagtataglay ng parehong ari babae at lalaki. Minsan ay nagmumula rin ang pagiging intersex nila sa mutation sa kanilang chromosomes o kaya ay sa di balanseng hormones.
Ano ang LGBTQ?
May mga tao na naniniwala na madaming uri ng gender at nagnanais pa na magdagdag sa karaniwang alam na ng karamihan na LGBTQ. Upang maging simple ang pagtalakay sa paksa ng gender ang spectrum lamang ng LGBTQ ang ilalahad ng artikulo na ito.
Lesbian – ay mga babae na nakakaramdam ng pisikal o romantikong atraksyon sa kapwa niya babae.
Gay – ito ay isang termino na tumutukoy sa pisikal o romantikong atraksyon sa kaparehong kasarian. Madalas na lalaki ang gumagamit ng termino na ito ngunit maaari din ito gamitin upang ilarawan ang babae na nakakaranas ng atraksyon sa kapwa babae. Sa Pilipinas, ang pinakamalapit na katumbas nito ay ang tawag na “bakla” sa tao na nakakaranas ng pagkagusto sa kaparehong kasarian.
Bigender/ Bisexual – Ang bisexual ay mga tao na nakakaranas ng atraksyon sa parehong kasarian. Ang isang bisexual ay maaaring makaranas ng iba’t ibang antas ng atraksyon. Hindi nangangailang na magkaroon ng sekswal na interaksyon ang isang bisexual upang matawag niya ang kanyang sarili na bisexual o bigender.
Transgender – ito termino na ginagamit para sa lahat ng tao na nagpapakita ng gender identity o gender expression na karaniwan na makikita sa kabilang kasarian. Sila ay maaaring umiinom ng mga hormones na nireseta ng doctor upang magbago ang katawan nila at maiayon nila ito sa kanilang gender identity. May mga pagkakataon na ang mga transgender ay sumasailalim sa operasyon na naglalayon na mabago ang kasarian nila ngunit hindi lahat ng transgender ay nagnanais na magpaopera.
Queer – ito ay katawagan na ginagamit ng ilang tao para ilarawan ang kanilang kasarian. Sila ay hindi ekslusibong heterosexual. Kadalasan kaya nila ginagamit ang salitang queer upang ilarawan ang kanilang kasarian ay dahil pakiramdam nila hindi maaari maikategorya ang kanilang sarili sa pagiging lesbian, gay o bisexual.
Questioning – ito ay mga tao na hindi pa din sigurado sa sexual orientation o gender identity nila sa kasalukuyan.
Ano ang mga Sexual Orientation?
Ilan sa mga halimbawa ng sexual orientation ay ang sumusunod:
Homosexuality, ang pagkakaroon ng atraksyon sa kaparehong kasarian.
Heterosexuality, ang pagkakaroon ng atraksyon sa opposite sex
Bisexuality, ang pagkakaroon ng atraksyon sa parehong sex.
Asexuality, ang isang tao ay hindi nagkakaroon ng atraksyon sa kahit anong kasarian.
Ang Heterosexuality at Homosexuality ang mga pangunahing sekswalidad sa lipunan ngayon. Ang heterosexuality ang karaniwan na sa mga lipunan, ito ay ang romantiko o sekswal na relasyon sa pagitan ng “straight” na lalaki at “straight” na babae. Samantala ang homosexuality naman ay ang romantiko o sekswal na relasyon sa pagitan ng parehong kasarian(sex). Isa pa sa tinuturing na sexual orientation ngayon ay ang bisexuality.
Meron din tao na tinuturing ang kanilang sarili bilang asexual, isang tao na hindi nakakaramdam ng pisikal, romatiko o sekswal na atraksyon sa kahit anong kasarian.
Karagdagang Artikulo:
- Ano ang Pagkakaiba ng Gender Identity at Sexual Orientation?
- Ano ang Pagkakaiba ng Sex at Gender?
- Sex and gender: What is the difference?