Ano ang Heograpiya?
Kahulugan ng Heograpiya
Ang ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mga pisikal na katangian ng daigdig, ang iba’t ibang lugar sa mundo at ang relasyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Sinusuri din ng isang geographer kung paano nakaaapekto ang kultura ng tao sa kapaligiran, at kung paano nakaaapekto ang lokasyon at lugar sa pamumuhay ng mga tao.
Etimolihiya at ang Maikling Kasaysayan ng Heograpiya
Ang salitang “heograpiya”(geography sa Ingles) ay nag mula sa wikang Griyego. Sa salitang Griyego, ang “geo” ay nangangahulugang mundo o daigdig, at ang “-graphia” ay nangangahulugan na “sumulat o gumuhit”.
Ang salita ng heograpiya ay ginamit ng mga sinaunang tao upang bigyan ng tawag ang kanilang pag-aaral, pagsulat at paggawa ng map ana nakakatulong sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman kaugnay ng kanilang mundong ginagalawan.
Ang mga sinaunang Griyego ay mga masugid na tagalikha ng mga mapa. Sila ay nakalikha ng mga mapa ng iba’t ibang lugar sa Asya, Europa, at Africa. Sa kanilang paggawa ng mapa napansin nila ang iba’t ibang pagkakaiba ng mga lugar na kanilang pinupuntahan. Ang mga pagkakaiba sa klima pamumuhay ng tao sa iba’t ibang lugar ay naging isang malaking katanungan sa kanila. Hindi nagtagal ay nalamang ng mga sinaunang Griyego na bilog ang daigdig.
Makalipas ang ilang daang taon pa ay nagsimula ang Ginintuang panahon ng mga Muslim ng Arabian Peninsula at Hilagang Africa. Ang mga iskolar ng Islam ay ang lumikha ng unang rektangolong mapa na may mga grid at coordinate na masasabing kahawagin ng kasalukuyang sistema ng longhitude at latitude. Ang mga mapa na ito ay naging malaking tulong sa paglalakbay at paglalayag.
Kasabay ng mga tagumpay ng mga Arabong Muslim sa Middle East ay nagkaroon din ng malaking kontribusyon ang mga Tsino sa heograpiya. Sa pagitan ng 1500 BCE at 1000 BCE, pinatunayan ng mga Tsino ang husay nila sa Astronomiya at nilkha din nila ang unang compass para sa paglalayag.
Sa pagpasok ng ika-15 at ika-17 siglo, nagsimula ang Panahon ng Pagtuklas. Ginamit ng mga Europeo ang mga natutunan nila mula sa mga Tsino upang maglayag sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang panahon na ito ay nagdala ng malaking interes sa heograpiya at naging masigla ang sangay ng pag-aaral na ito dahil na din sa pagka-imbento ng movable press. Nakatulong din ang pag-unlad ng mga teknolohiya sa paglalayag sa dagat at ang malaking bilang ng impormasyon na hawak na maaaring gamitin ng isang manlalayag.
Ano ang mga Saklaw ng Heograpiya?
Saklaw ng pag-aaral ng heograpiya ay nahahati sa dalawang kategorya: Pisikal na Heograpiya (Physical Geography) at Heograpiyang Pantao (Human Geography)
Pisikal na Heograpiya
Ito ay mas nakatuon sa pag-aaral ng iba’t ibang pisikal na katangian ng daigdig. Pinag-aaralan din dito ang mga pagbabago sa kapaligiran na dulot ng tao.
Ang ilan sa mga saklaw nito ay ang sumusunod:
- Anyong lupa at anyong tubig
- Klima at Panahon
- Likas na yaman
- Fauna(Animal life) at flora(plant life)
Heograpiyang Pantao
Ito ay mas nakatuon sa pagsuri sa distribusyon at sa ugnayan ng mga tao at kultura sa daigdig. Pinag-aaralan dito mga epektong dulot ng tao sa kapaligiran kung saan siya nakatira. Pinag-aaralan din ng isang human geographer ang mga politikal, panlipunan at pang-ekonomiyang sistema ng iba’t ibang bahagi ng mundo. Kamasa kanilang inaaral ang relihiyon, uri ng gobyerno at mga kasunduang pangkalakalan sa pagitna ng mga bansa.
YouTube Video
Follow, Subscribe, Comment, and Like the Aralipunan YouTube Channel
Iba pang Artikulo
Limang Tema ng Heograpiya
Ano ang Pagkakaiba ng Climate Change at Global Warming?
Cyclone, Hurricane, at Typhoon, Ano ang Pinagkaiba?
Isyu Pangkapaligiran sa Pilipinas
Sanggunian
Geography, https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/geography/
Johnston, Ron (2000). “Human Geography”. In Johnston, Ron; Gregory, Derek; Pratt, Geraldine; et al. (eds.). The Dictionary of Human Geography. Oxford: Blackwell.
Heograpiya, DepEd module and reference
“Heograpiya ng Daigdig”, Project EASE Modyul 1, Araling Panlipunan III