Ano ang Pagkakaiba ng Gender Identity at Sexual Orientation?
Isa sa unang dapat linawin sa pagtalakay ng gender identity at sexual orientation ay ang pagkakaiba ng mga ito. Sila ay magkaiba ngunit sila ay magkaugnay na aspekto ng pagkatao.
Ang gender identity ay isang personal na karanasan. Ito ay kung paano natin nakikita ang ating sarili batay sa ating kasarian, kung tayo ba ay lalaki, babae o wala sa dalawa. Karaniwan na magkatugma ang gender identity at ang kanilang gender expression( kung paano nila ipakita ang kanilang kasarian sa pamamagitan pananamit, kilos at iba pa) batay sa sex na taglay nila noong sila ay pinanganak. Ngunit, may ilan na tao sa lipunan ang hindi sumusunod sa nakagawiang gender identity, ang mga taong ito ay tinatawag na “transgender” o “gender non-conforming”.
Ang sexual orientation naman ay tumutukoy sa ating pisikal, emosyonal at sekswal na atraksyon sa ibang tao. Ang normal na inaasahan ng lipunan ay ang lalaki ay bumubuo ng romantikong relasyon sa mga babae at ang mga babae sa lalaki naman, ito ang tinuturing na heterosexuality. Ngunit may mga tao na nagkakaramdam ng atraksyon sa mga tao ng kaparehong kasarian at ito ang tinatawag na homosexuality.
Sa madaling salita, ang gender identity ay makikita sa paraan kung manamit, kumilos, at kung paano mo nakikita ang iyong sarili kung ikaw ba ay lalaki, babae o wala sa nabanggit. Ang sexual orientation naman ay nalalaman sa pamamagitan sa kung kanino ka nagkakagusto at nakakaramdam ng romantikong atraksyon.
Ilan sa mga halimbawa ng sexual orientation ay ang sumusunod:
- Homosexuality, ang pagkakaroon ng atraksyon sa kaparehong kasarian.
- Heterosexuality, ang pagkakaroon ng atraksyon sa opposite sex
- Bisexuality, ang pagkakaroon ng atraksyon sa parehong sex.
- Asexuality, ang isang tao ay hindi nagkakaroon ng atraksyon sa kahit anong kasarian.
Bakit mahalagang alamin ang pagkakaiba ng gender identity at sexual orientation?
Kung hindi natin nauunawaan ang pagkakaiba ng gender at sexual orientation, tayo maaaring agarang manghusga sa sekswalidad ng isang bata na hindi nauunawaan kung sino ba talaga siya.
Kadalasan ang kapag nakakakita tayo ng mga tao na may gender expression na salungat sa katanggap-tanggap sa lipunan, nabibigyan agad ng panghuhusga ang mga sekwal na oryentasyon ng tao na iyon.
Ilan sa halimbawa nito ay isang batang lalaki na naglalaro ng luto-lutuan, siya ay makakatanggap ng pangungutya na siya ay gay. Ang mga batang babae naman na mas nais na magsuot ng mga damit na panlalaki ay tinatawag na lesbian o tomboy. Ito ay mga di magandang pananaw dahil ang kanilang expresyon ng kasarian ay hindi katumbas ng kanyang sexual orientation.
Ang mga ganitong pagtrato sa mga sekwalidad ay minsan nagdudulot ng mas malaking pagkalito sa pagkatao ng maraming kabataan dahil sa madalas na iniuugnay ang gender expression nila sa kanilang sexual orientation.
Ang hindi mabuting pananaw sa pagpapakita ng gender identity ay nagdudulot ng paglayo ng ilang bata sa mga propesyon o kasanayan na nais nila dahil lang maaari silang mapagkamalan na gay o lesbian kung susunod sila sa ilang propesyon kahit na salungat ito sa tinuturing na normal ng lipunan kaugnay sa kasarian.
Mahalaga na alamin natin ang pagkakaiba nila upang higit na maunawaan ng bawat isa sa lipunan ang mga hinaing na nakaugat sa kasarian ng mga miyembro nito. Ang pagbaliwala sa mga ganitong isyu ay maaari o sa kasalakuyan nang nagdudulot ng di pakapantay- pantay sa hanapbuhay, relihiyon, tahanan, at lipunan. Kailangan natin unwain ito upang makagawa ng mga patakaran at batas na makakapagpagaan sa mga problema na nagmula sa hindi pantay na pananaw at pagtrato ng lipunan sa bawat kasarian.
Recommended Reading List
- The Feminism Book: Big Ideas Simply Explained
- I Know Why the Caged Bird Sings by Maya Angelou
- Little Women by Louisa May Alcott
- Women & Power: A Manifesto by Mary Beard
Karagdagang Artikulo:
References:
- https://www.genderspectrum.org/quick-links/understanding-gender/
- https://www.plannedparenthood.org/learn/sexual-orientation-gender/gender-gender-identity
- https://www.cbsnews.com/news/the-difference-between-sexual-orientation-and-gender-identity/
- https://www.apa.org/topics/lgbt/orientation
- https://youngwomenshealth.org/2011/01/24/sexual-orientation-gender-identity/