Epekto ng Climate Change sa Buhay ng mga Pilipino
Ang Pilipinas ay higit na naapektuhan ng lumalalang Climate Change at nang di mapigilang pagtaas ng temperatura bunga ng Global Warming. Dahil katabi ng dagat at karagatan, ang Pilipinas ay hinahagupit ng mga mas lumalakas na bagyo at nasa peligro ng dahan dahan na pagtaas ng lebel ng tubig dagat. Sa artikulo na ito, ililista ang ilan sa mga pangunahing epekto na nararanasan ng Pilipinas mula sa climate change.
Epekto sa Agrikultura
Ang mga malakas na bagyo ay nagdudulot ng pagsira ng mga sakahan, malalang soil erosion, pagkawala ng taba ng lupa at ang pagbaba ng produksyon ng mga agrikultural na produkto bunsod ng pagbaha. Ang paghaba ng mga panahon ng tag-init naman ay nagdudulot ng pagdami ng peste at ang pagtaas sa pangangailangan ng irrigasyon
Sa pagitan ng 2006 at 2013, nakaranas ang Pilipinas ng hindi bababa sa 75 na sakuna. Ang mga sakuna na ito ay nagdulot ng mahigit 3.8 Bilyong Dolyar na pagkasira sa sektor lamang ng agrikultura
Epekto sa Enerhiya
Maaaring magdulot ang Climate Change ng pagbaba ng supply ng kuryente sa Pilipinas. Ang mabilis na pagbabago sa klima ay maaaring magdulot ng pagbaba ng produksyon ng Hydroelectric power na bumubuo sa 20% ng pinagmumulan ng kuryente sa bansa
Tuwing tag-init naman ay magdudulot ng power outages dahil sa tumataas na demand sa mga panahon na iyon, lalo na sa demand ng airconditioning at ibang pang paraan ng pagpapalamig ng bahay.
Epekto sa Kalusugan
Ang tumataas na temperatura at humidity ay nagdudulot ng pagbilis ng pagdami ng lamok sa isang lugar. Nagiging mas mahabe din ang buhay ng mga lamok na ito. Ang pagdalas ng malakas na ulan at pagbaha ay nagdudulot ng pagdami ng kaso ng waterborne diseases tulad ng diarrhea at cholera.
Epekto sa Dagat at Lamang-dagat
Ang climte change at ang pagdami ng CO2 sa atmosphere ay nagdulot ng “Ocean warming” at “Ocean Acidification”. Ang ocean acidification ay dulot ng pagtaas ng carbon na naiipon sa karagatan. Ang pagtaas ng acidity ng tubig ay nagdudulot ng coral bleaching at pagsira ng mga mangroves.
BASAHIN DIN: Ano ang Heograpiya?