Ano ang Demand at ang Law of Demand?
Kahulugan ng Demand
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na nais at kayang bilhin ng isang mamimili sa isang kaukulang presyo sa loob ng isang takdang panahon, kung ang lahat ng bagay ay mananatiling pareho.
Paraan Ilarawan ang Konspeto ng Demand
Demand Function
Isang mathematical equation na nagpapakita ng relasyon ng presyo at ng Qd (quantity demanded).
Qd= a – bP
Kung saan:
Qd= quantity demanded
P= presyo
a= intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
b= slope = ∆𝑄𝑑 ÷ ∆𝑃, Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat halagang pagbabago sa presyo.
Demand Schedule
Ang demand schedule ay isang listahan na nagpapakita sa dami ng produkto na maaaring bilhin sa magkakaibang presyo na katumbas nito sa isang takdang panahon.
Presyo ng Candy | Bilang ng demand bawat araw | |
A | 5 | 5 |
B | 4 | 10 |
C | 3 | 20 |
D | 2 | 35 |
E | 1 | 60 |
Demand Curve
Ang demand curve ay ang grapikal na representasyon ng demand schedule. Ang demand curve ay kumkurba paibaba mula kaliwa patungo ng kanan, ito ay repleksyon na ang bilang ng demand ay inversely proportional sa presyo ng produkto. Ito ay ang law of demand.
Ano ang Law of Demand?
Sa law of demand, habang bumababa ang presyo ng isang kalakal, ang demand para ditto ay tamataas; habang tumataas ang presyo ng isang kalakal, ang dami ng demand ay bumababa – kung ang lahat ng bagay ay mananatiling parehas.
Ang demand curve ay kukurba paibaba dahil sa sumusunod na rason:
- kapag bumaba ang presyo ng isang bilihin, ikaw ay magkakaroon ng kakayahan na bumili ng mas marami ng produkto na iyon kung hindi magbabago ang iyong sweldo, kagustuhan at presyo ng mga katulad na produkto.
- kung bumaba ang presyo ng isang bilihin, madalas bibilihin mo ang produkto na ito dahil sa pakiramdam mo na ikaw ay mas nakakatipid kung ikukumpara ang presyo sa katulad na produkto.
- Ang isang tao ay handang magbayad ng malaki para sa mga bagay na may maliit na bilang; kung mayroon nang malaking bilang ang isang produkto bumababa ang interes ng isang mamimili na magbayad ng malaking halaga para sa produkto na iyon. Ito ay dahil ang bawat unit na iyong nakukuha ay nagbibigay sa iyo ng mas mababang pakinabang o “utility” kaysa sa naunang unit ng produkto.