Ano ang mga Aspektong Nakakaapekto sa Demand?
Isang pinagtutuonan ng pansin ng Economics ay ang relasyon sa pagitan ng presyo at ng kagustuhan ng isang consumer na bilhin ang isang produkto o serbisyo. Ngunit may mga bagay na nakakaapekto sa demand ng isang produkto o serbisyo.
Malaki ang maitutulong ng pagsusuri sa mga salik na ito upang higit na maunawaan ang mga pagbabago sa kilos at ang gawi ng tao kaugnay ng demand sa isang produkto at pagkonsumo.
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND NG TAO
Presyo ng Produkto
May negatibong relasyon ang presyo ng isang produkto sa dami ng mga produktong nais bilhin ng isang consumer. Nais ng mga mamimili na bumili ng mas maraming produkto sa mababang halaga, kaya habang tumataas ng halaga ng isang produkto o serbisyo kumukonti ang bilang ng mga mamimili na handang bumili nito.
Ito ay isang normal na pangyayari sa ilalim ng Law of demand.
Presyo ng mga Substitute at Complementary Goods
Ang mga substitute goods ay mga produkto na matuturing na katulad o isang pamalit sa isang produkto. Kung tataas ang presyo ng isang substitute good, tataas ang demand para sa produktong katulad nito.
Halimbawa ay ang pagtaas sa presyo ng butter ay maaaring magdulot ng pagtaas ng demand para sa margarine.
Ang complementaty goods naman ay mga produkto at serbisyo na kailangan gamitin kasabay ang ibang produkto o serbisyo. Ang pagtaas sa presyo ng komplementaryong produkto nito ay nagdudulot ng pagbaba sa demand ng isang produkto.
Halimbawa ay ang pagtaas ng presyo ng kape ay nagdudulot ng pagbaba ng demand sa mga coffee creamer ng produkto.
Ang Kinikita ng Mamimili
Ang sweldo ng isang mamimili ay nakakaapekto sa dami ng mga produktong nais niyang bilhin at sa kung anong uri ng produkto at serbisyo ang nais niyang tangkilikin. Para sa mga karamihan ng bilihin, mayroong direktang relasyon ang sweldo sa bilang ng mga produkto nan ais niyang bilhin. Para sa mga ganitong produkto, habang tumataas ang kita ng isang mamimili tumataas din ang demand para sa produkto. Kapag bumaba naman ang kita ng isang mamimili, bumababa din ang demand para sa mga produkto at serbisyo na ito. Ito ay tinatawag na normal goods.
Ang Kagustuhan ng Isang Mamimili
Ito ang isang aspekto na mahirap masukat dahil mabilis na nagbabago ang kagustuhan ng isang mamimili. Ang mga kagutuhan na ito ay nagdudulot ng pagbabago sa kanilang demand sa isang produkto.
Halimbawa, ang pag-eendorso ng isang artista sa isang produkto ay maaaring magdulot ng pagtaas ng kagustuhan ng isang mamimili na bilhin iyon.
Samantala ang mga masamang balita kaugnay sa isang produkto ay maaaring magdulot ng pagbaba ng demand sa isang produkto o serbisyo. Halimbawa nito ay ang mga paalala ng pamahalaan na maaaring magdulot ng sakit ang isang produkto o kaya ay may kumalat ng mga balita na may depekto ang kanilang produkto. Ito ay magdudulot ng pag-iingat sa publiko.
External Resource
5 Factors That Affect Demand, https://www.abivin.com/post/5-factors-that-affect-demand
Factors Affecting Demand, https://www.econport.org/content/handbook/Demand/Factors.html
BASAHIN DIN: Ano ang Demand at ang Law of Demand?