Ano ang Produksyon?
Kahulugan ng produksyon
Ang produksyon ay tumutukoy sa proseso ng paglikha o paggawa ng mga kalakal o serbisyo gamit ang mga yaman o resources. Ito ay isa sa mga pangunahing yugto sa ekonomiya kung saan ang mga inputs o bahagi ng produksyon, tulad ng lupa, kapital, paggawa, at ang entrepreneur, ay ginagamit upang lumikha ng mga produkto o serbisyong makatutulong sa pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng lipunan.
Ang mga salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input at ang mga produkto na nalilikha mula dito ay tinatawag na output.
Mga mahahalagang aspeto ng produksyon sa ekonomiya
- Pagtutukoy ng Produkto o Serbisyo: Sa produksyon, mahalaga ang pagpapasya kung anong uri ng produkto o serbisyo ang gagawin. Ito ay isinasaalang-alang ang pangangailangan ng merkado at ang kakayahan ng produksyon.
- Paggamit ng Yaman o Resources: Ang produksyon ay nangangailangan ng mga yaman o resources, tulad ng lakas-paggawa ng tao, makinarya, mga raw material, atbp. Ang mahalaga ay magamit ang mga ito nang maayos upang maging epektibo at produktibo ang produksyon.
- Proseso ng Produksyon: Ipinakikita ng proseso ng produksyon kung paano ginagamit ang mga resources upang lumikha ng produkto o serbisyo. Ito ay maaaring maging isang simpleng pagmamano o isang mas komplikadong proseso, depende sa klaseng kalakal o serbisyo.
- Output o Resulta: Ang resulta ng produksyon ay ang mga produkto o serbisyo na inilalabas at ipinagbibili sa merkado. Ang mga ito ay maaaring maging physical goods tulad ng mga sasakyan o elektronikong aparato, o intangible services tulad ng serbisyong pangkalusugan o edukasyon.
- Pamilihan at Distribusyon: Ang mga produkto at serbisyo na lumalabas mula sa produksyon ay ipinapasok sa pamilihan at iniipamamahagi sa mga mamimili. Ang distribusyon ay isa ring mahalagang bahagi ng ekonomiks dahil ito ang nagtatakda kung paano naipapamahagi ang mga produkto at serbisyo sa mga tao.