Ano ang Oligarkiya?
Ano ang Kahulugan ng Oligarkiya?
Ang Oligarkiya ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang politikal na kapangyarihan ay nasa kamay lamang ng isang maliit ng pangkat ng tao.
Sa isang banda, madalas din na ginagamit ang salitang oligarkiya upang ilarawan ang iba’t ibang uri ng pamahalaan na pinamumunuan lamang ng maliit ng grupo ng tao na ginagamit ang kanilang yaman, lahi, impluwensiya atbp para gawing patunay ng karapatan mamuno. Ibigsabihin ang aristokrasya, plutokrasya at ang mga totalitarian na pamahalaan ay maaaring ituring na oligarkiya.
Ang mga Oligarkiya ay madalas na nagtataglay ng mga katangian tulad ng tiraniko at awtoritaryanistikong pamumuno at ang kawalang ng demokratikong proseso at ang kawalan ng indibidwal na karapatan ng mga mamamayan.
Halimbawa ng Oligarkiya
South Africa
Ang Aparthied Government sa South Africa ay namuno mula sa 1948 hanggang 1991. Ito ay isang oligarkiya na nakabatay sa lahi kung saan ang minority ng kanilang lipunan, mga tao na may maputing kulay ng balat, ang may kontrol sa pamamahala at sila ay nagpapatupad ng mahigpit na segregasyon laban sa mga mamamayan na itim ang kulay ng balat. Dahil sa minorya ang may hawak ng kapangyarihan at pinumunuan nila ang mayorya sa isang awtokratikong paraan maituturing na oligarkiya ang dating pamahalaang Aperthied ng South Africa
Iran
Kahit na may isang presidente na nailulok sa pwesto sa pamamagitan ng eleksyon, ang Iran ay pinamumunuan ng isang oligarkiya na batay sa relihiyon na binubuo ng mga pari ng Islam at ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Ang oligarkiya na ito ay nakaakyat sa kapangyarihan sa kamatayan ni Ayatollah Ruhollah Khomeini, ang tagapagtatag ng Islamic Republic of Iran, noong 1989. Nang pumalit sa kanya na si Ayatollah Ali Khamene, Nilagay ni Ayatollah Ali Khamenei ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa mga matataas na posisyon ng pamahalaan.
Iba pang artikulo
Ano ang Aristokrasya?
Ano ang Anarkiya?
oligarchy | Definition & Facts | Britannica