Ano ang Alokasyon?
Ang alokasyon ay tumutukoy sa proseso ng pagtutukoy at pagpapamahagi ng limitadong yaman o resources sa iba’t ibang pangangailangan o gamit sa lipunan. Ang konseptong ito ay mahalaga sa pag-aaral ng ekonomiks dahil ito ang nagpapakita kung paano ginagamit at iniipamamahagi ang limitadong yaman upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng tao.
Upang makamit ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at pakinabang ng bawat mamamayan sa yaman ng bansa kailangan aralin ng mabuti ang proseso ng alokasyon. Kung mapapabayaan ang di pantay na pagkakahati ng pinagkukunang yaman, ito ay magdudulot ng paglala ng kakulangan sa lipunan.
Upang makamit ang wastong alokasyon ng mga pinagkukunang yaman kailangan natin sagutin ang 4 na katanungan na ito:
- Ano-anong produkto at serbisyo ang kailangan natin likhain?
- Paano natin lilikhain ang mga produkto at serbisyo na ito?
- Para kanino ang mga produkto na ating lilikhain?
- Gaano karami ang mga lilikhain na produkto at serbisyo?
Upang magabayan ang alokasyon ng yaman, ang iba’t ibang bansa ay lumikha ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya. Upang mas matuto kaugnay dito sundan ang link na ito [Ang 4 na Sistemang Pang-ekonomiya]