Ano ang Lawak at Hangganan ng Pilipinas?

Ang Lawak ng Pilipinas

Ang kabuuang lawak ng teritoryo ng Pilipinas ay humigit-kumulang 300,000 square kilometers (115,831 sq mi). Ito ay binubuo ng mga pulo at kalupaan sa Timog-Silangang Asya.

Ang Pilipinas din ang ikalimang pinakamalaking island countries sa mundo. Kadalasan ang mga tinuturing na island countries ay binubuo ng isang achepelago o mga grupo ng mga pulong pinagdudugtong ng mga anyong tubig tulad ng dagat, ilog at lawa. Ang Pilipinas ay nagtataglay ng tinatayang 7,641 na pulo sa loob ng teritoryo nito.

Lawak ng Pilipinas
Vector map of the Philippines by Ле Лой

Ano ang mga 10 Pinakamalaking Isla ng Pilipinas?

Ano ang Lawak at Hangganan ng Pilipinas? 1
Photo by Jules Bassoleil

Ang 95% ng lawak ng Pilipinas ay binubuo lamang ng labingisang isla:

Rank batay sa LakiPangalan ng IslaTinatayang Lawak ng Isla
(sq. km)
1Luzon109,846.27
2Mindanao95,468.17
3Negros13,057.68
4Samar12,802.79
5Panay11,809.64
6Palawan11,690.44
7Mindoro10,133.94
8Leyte7,175.93
9Cebu4,505.97
10Bohol3,847.43
Source: https://www.philatlas.com/lists/physical/list-islands-100-or-more-sqmi.html

Ano ang Absolute Location ng Pilipinas?

Ang Pilipinas ay makikita sa pagitan ng 4°23′ hanggang 21° Hilagang Latitud at 116° hanggang 127° Silangang Longhitud.

Ano ang Relatibong lokasyon at Hangganan ng Pilipinas?

Ang teritoryo ng Pilipinas ay napapalibotan ng mga karagatan, kabilang ang West Philippine Sea(South China Sea), Philippine Sea, at Karagatang Pasipiko. Ang mga pangunahing hangganan nito ay ang mga sumusunod:

  • Hilagang Hangganan: Taiwan Strait at Taiwan sa hilaga.
  • Silangan: Philippine Sea at Karagatang Pasipiko. Matatagpuan din sa silangan ng Pilipinas ang isla ng Palua
  • Kanluran: West Philippine Sea
  • Timog: Celebes Sea at timog pa nito ay ang bansang Indonesia
  • Timog-Kanluran: Matatagpuan ang Borneo at ang Malaysia
  • Timog-Silangan: Matatagpuan ang isla ng Mollucas at Sulawesi(kilala din bilang Celebes).
Ano ang Lawak at Hangganan ng Pilipinas? 2
Territorial map claimed by the Philippines, showing internal waters, territorial sea, international treaty limits, and exclusive economic zone. Map by Roel Balingit

Mahalagang tandaan na ang may mga pantubig na teritoryong nakapaloob sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, kung saan may karapatan itong mamahala sa likas-yaman, kalakal, at iba pang ekonomikong aktibidad sa mga karagatan sa loob ng nasabing zona batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

You may also like...