Ano ang Demokrasya?
Ano ang kahulugan ng demokrasya?
Ang demokrasya, nangangahulugan na pamumuno ng mga tao. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “demokratia”, na pinagsamang salita ng “demos” (tao) at “kratos” (estado), noong 5 BCE na tumutukoy sa sistemang politikal na umiiral sa mga sinaunang lungsod-estado ng Gresya.
Ito ay isang sistema ng pamahalaan na kung saan ang mga mamamayan ng estado ay may awtoridad na pumili ng mga tao na maging mambabatas na susulat ng mga batas, o ang mga tao na mamumuno sa bansa.
Ang pangunahing layunin ng ganitong uri ng pamahalaan ay magkaroon ng patas na representasyon sa pamahalaan at pagpigil sa pag-abuso ng kapangyarihan ng mga pinuno ng pamahalaan.
Ang mga layunin na ito ay nagresulta sa pagbibigay ng malaking importansya ng diskurso, debate, at kompromiso sa pamahalaan at lipunan. Ito ay nakakatulong sa pagbibigay solusyon sa mga suliranin ng nakararaming tao sa loob ng lipunan, ito ay nagdudulot ng Majority rule.
Para matupad ang mga ito, pinoprotektahan ng pamahalaan ang mga sumusunod na karapatan; karapatan sa asemblea, karapatan na makapagpahayag, karapatan na bumoto, karapatan ng minoridad, at karapatang pantao.
Ano ang mga uri ng demokrasya?
Direktang Demokrasya
Ito ang orihinal na anyo ng demokrasya sa sinaunang panahon. Sa direktang demokrasya ang lahat ng mamamayan ng isang estado ay maaaring direktang makilahok sa proseso ng pagbuo ng isang batas o sa pamamahala ng isang estado.
Representative Democracy
Ito ay ang karaniwang anyo ng demokrasya sa kasalukuyang panahon. Ang mga mamamayan ay pimipili at bumuboto ng mga tao na magrerepresenta sa kanila sa batasan at tutulong na bumuo ng mga batas para sa kanilang bansa.
- Parliament democracy
Ito ay isang sistema na kung saan ang mga miyembro ng pamahalaan ay maaaring italaga at tanggalin ng mga kinatawan na hinalal ng mga tao. Sa sistema na ito ay walang “presidential rule” na kung saan ang presidente ay parehong ulo ng pamahalaan at ng estado. Ang mga Prime minister ay pinipili mula sa mga mambabatas na naihalal ng mga tao at siya ang ulo ng gobyerno.
Sa sistemang parliamentary, maaaring matanggal ang isang Prime Minister kung hindi niya natutupad ang kanyang tungkulin sa pamamagitan ng boto ng mga mambabatas. Ang Prime Minister ay matatanggal lamang sa pamamagitan ng majority vote ng mga mambabatas. May mga bansa din na may kapangyarihan ang mga Prime Minister na tumawag ng isang eleksyon para palitan ang mga miyembro ng batasan.
- Presidential democracy
Ito ay isang sistema na kung saan ibinoboto ng mga tao ang isang presidente sa pamamagitan ng isang patas at malayang eleksyon. Ang presidente ay ang ulo ng estado at ng gobyerno at may malaking kontrol sa ehekutibong sangay ng pamahalaan.
Ang presidente ay may direktang kontrol sa mga pagtatalaga sa kanyang gabinete.
Ang presidente ay may limitadong termino ng panunungkulan. Tanging ang sangay ng lehislatura ang may kakayahan na tanggalin ang presidente ngunit hindi ito madaling magawa, magagawa lang ito sa pamamagitan ng proseso ng impeachment. Sa kabilang banda, hindi rin maaaring tanggalin ng presidente ang mga miyembro ng lehislatura. Ito ay dulot ng prinsipyo ng “separation of powers” sa mga sangay ng pamahalaan.
Ang Republika ba ay isang demokrasya?
Sa kasalukuyan ay napagpapalit ang dalawang sistema na ito dahil sa mga pagkakapareha ng mga mga katangian na taglay ng dalawang anyo ng pamahalaan na ito.
Ang Republika ay isang anyo ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ng estado ay hawak ng mga opisyal na pinili upang maging kinatawan ng isang probinsya o sektor ng lipunan sa pamahalaan. Malaki ang pagkakaiba ng direct democracy sa republic dahil ang mga mamamayan ay hindi direktang namamahala sa estado ngunit sa pamamagitan lamang ng kanilang mga kinatawan. Sa kablang banda, ang halos lahat ng mga modernong representative democracy ngayon ay mga republika. Maaaring matawag na isang republika ang isang gobyerno kung ang “ulo ng estado” ay hindi isang heriditary monarch.
Samantalang, ang direct democracy ay isang sistema kung saan ang kapangyarihan ay nasa buong populasyon at kanilang ipinatutupad sa tulong ng kanilang kinatawan. Ang bawat desisyon at mga bagong batas ng pamahalaan ay kailangan pagbotohan ng mga buong lipunan bago ito maipatupad. Ito ay maaaring epektibo lamang sa mga maliliit na estado at mga komunidad.
Sa isang democratic republic, ginagamit nito ang ilang katangian na taglay ng republika at ng demokrasiya. Ang mga kinatawan sa pamahalaan ay pinipili sa pamamagitan ng isang malayang halalan. Kadalas din na may termino na sinusunod ang mga opisyal na nahalal, ito ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng isang “monarkong sistema” sa isang bansa.
Sa pamamagitan ng isang konstitusyon, ang isang republika ay nagbibigyan ng proteksyon ang mga mamamayan na bahagi ng minorya at nababawasan ang negatibong epekto ng “mob mentality” na maaaring lumitaw sa isang pure democracy.
Sa kabilang banda naman, Sa pamamagitan ng referendum at innitiatives nagagamit ng mga mamamayan ang direktang demokrasya upang magpatupad ng mga batas o patakaran na hindi nalikha ng mga mambabatas na nasa republika.
BASAHIN DIN: Ano ang Sosyalismo?
Sanggunian
Republic vs. Democracy: What Is the Difference?, https://www.thoughtco.com/republic-vs-democracy-4169936
Oxford Dictionaries | English. Retrieved 2017-12-04.
Democracy or republic?, https://www.britannica.com/topic/democracy/Democracy-or-republic
Democracy, https://www.britannica.com/topic/democracy
Encyclopedia of Political Thought. Taylor & Francis., https://books.google.com.ph/books?id=srzDCqnZkfUC&pg=PA224&redir_esc=y#v=onepage&q&f=false
Democracy, https://thebestschools.org/magazine/common-forms-of-government-study-starters/#democracy