Ano ang Anarkiya?
Ano ang Kahulugan ng Anarkiya?
Ang Anarkismo ay ang kawalan ng gobyerno, Ito ay isang pagkakataon na ang isang bansa o estado ay walang gumaganang sentralisadong pamahalaan. Minsan tinutukoy ng anarkiya ang kawalan ng pampublikong serbisyo, regulasyon, limitadong diplomatikong ugnayan sa mga katabing bansa at madalas ay nagkakaroon ng pagkawatak-watak ng lipunan na nahahati sa mga mas malilit na mga pangkat na pinamumunuan ng iba’t ibang tao.
Mga halimbawa ng Anarkiya
Ang Black Army noong Digmaang Sibil sa Russia (1917 – 1922)
Sa kalagitnaan ng digmaan sa Russian sa pagitan ng mga Bolshevik at mga loyalista ng Tsar, isang pangkat ang nabuo sa kasalukuyan teritoryo ng Ukraine ito ang Anarchist Revolutionary Insurrection Army of Ukraine sa ilalim ng pamumuno ni Nestor Makhno.
Ang Ukrainian Anarchist, tinatawag din na Black Army, ay nagtatag ng isang Free Territory habang nagaganap ang Russian Civil War. Ang mga teritoryo na ito ay mga anarkistang komunidad na aktibong tinataboy ang mga impulwensya ng kapitalista at komunistang ideolohiya.
(Basahin: Ano ang Kapitalismo?, Ano ang Sosyalismo?)